SCHOOL 37

451 20 1
                                    

JASMINE

Umakyat na muna ako sa aking kwarto at doon na muna nagkulong. Pagkatapos magpalit ng pambahay ay nahiga ako sa aking kama at natulala sa kisame.

Siguradong may gusto ang babaeng iyon kay Dylan pero hindi naman ako dapat mag alala dahil sabi naman ng mga kaklase niya ay tinatanggihan daw niya ang mga babaeng lumalapit sa kaniya.

Napabuntong hininga ako at kinuha na lang ang cellphone para mag facebook. Abala ako pag iscroll sa aking newsfeed ng biglang bumukas ang pintuan. Napabangon ako ng pumasok si Dylan.

"Oh. Tapos na kayo?"

"Hindi pa." sagot niya at naupo sa aking tabi. "Marami pa kaming ginagawa. I just want to check on you. Hindi ka na kasi bumaba."

"Ah. Wala din naman akong gagawin doon kaya hindi na ako bumaba."

"Sinong naghatid sayo?" tanong niya at inayos pa ang aking buhok. "Nagcommute ka?"

"Ha? Ah oo. Nagcommute na lang ako." pagsisinungaling ko. Ayaw ng sabihin na hinatid ako ni Simon.

"Sorry, hindi kita nasundo. Kailangan na kasi naming ipasa yung project bukas."

"Okay lang. Magtatagal pa ba sila? May miryenda pa kayo sa baba?" tanong ko at handa ng tumayo.

"Baka mag overnight sila dito." natigilan ako dahil doon.

"Overnight? Sila?"

"Yup. Why?"

"Pati yung babaeng dikit ng dikit sayo?"

Saglit siyang natigilan pero maya maya ay natawa na ikinabusangot ko.

"Wait, are you jealous because of Bianca?" natatawang tanong niya.

"At ano naman ang nakakatawa doon ha?"

Pinigilan niya ang sarili sa pagtawa at ngumiti na lang.

"You don't have to be jealous to her o kahit kanino pa." hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon. "Ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko." paninigurado niya sa akin.

Ang kaninang pag aalala ay unti unting nawala. Naging payapa ang aking pakiramdam dahil sa kaniyang sinabi.

"Talaga ba? Kahit mas malaki ang dibdib niya hindi mo ako ipagpapalit?" naniniguradong tanong ko na ikinatawa na naman niya.

"Silly." sabi niya at niyakap ako. "I don't care about that, okay. Wala akong pakialam doon."

Naghahanda kami ni Nanay Delia ng hapunan ng dumating sila Tita at Tito.

"Hi hija." nakangiting bati ni Tita Adeleine at hinalikan ako sa pisngi.

"Hello po. Hi Tito!"

"Hi! Mag oovernight daw dito ang mga kaklase ni Dylan?" tanong ni Tito Armand.

"Opo."

"Ganoon ba? Okay. Magbibihis lang ako saglit at tutulungan ko kayo dito."

Nang makaalis sila Tita ay saka naman pumunta si Raven dito na bagong gising.

"Jas, anong ulam?" tanong niya habang kinakamot kamot pa ang mga mata.

"May adobo at caldereta."

"Bakit nandito pa din yung mga classmate ni Kuya?"

"Mag oovernight sila dito. May ginagawa silang project." tumango tango siya at tinitigan ako na ikinangiti ko.

"Bakit?"

"Yung isang babae, may gusto daw kay Kuya." unti unting nabura ang aking ngiti dahil sa narinig. Alam ko naman na yun pero.. "Narinig ko kanina pagdating nila na tinutukso nila yung babae kay Kuya. Narinig ko din noong inamin niyang may gusto siya kay Kuya."

"Ganoon ba?" ngumiti ako ng pilit. "Ang gwapo kasi ni Kuya mo eh. Paglaki mo siguradong marami din ang magkakagusto sayo." sabi ko at ginulo gulo pa ang kaniyang buhok.

"Ayaw ko sa kanila. Gusto ko sayo." tuluyan na akong natawa dahil sa kaniyang sinabi.

Nailing na lang ako at hinayaan siya.

"Kain lang kayo ng kain. Marami ang ipinaluto ko." nakangiting sabi ni Tita.

Nakaupo na kaming lahat dito sa hapag kainan.

"Naku salamat po, Tita." ngiting ngiti na sagot nung Bianca.

Nasa pinakagitna si Tito. Nasa kanang bahagi naman si Tita katabi si Raven. Si Dylan naman ay nasa kaliwa at ako ang katabi. Nasa tabi ko si Bianca tapos kasunod yung iba nilang mga kaklase at yung iba ay nasa tabi ni Raven.

Tulad ng nakagawian ay palagi akong inaasikaso ni Dylan. Lalagyan niya ng kanin at ulam ang aking plato at sasalinan ng juice ang aking baso.

"Sweet pala si Dylan no?" panunukso ni Ryan na sinang ayunan ng iba.

"Oo nga. Ngayon lang natin nakita ang side niyang ganito." si Wendy.

"Ilang taon na nga kayo ulit na magboyfriend and girlfriend?" tanong ni Mel.

"Mag aapat na taon na." sagot ni Dylan.

"Wow. You're so lucky naman, Jasmine." sabi ni Bianca. Nilingon ko siya at nginitian.

"Well, kung ako naman si Dylan talagang hindi ko na pakakawalan si Jasmine no." biglang tumahimik ng sabihin iyon ni Isaiah. "I mean, she's really beautiful and kind." dugtong niya pa.

"Oo nga. Kahit nga akong babae, natitibo kay Jasmine eh." sabi ni Mel na ikinatawa nilang magkaklase maliban kina Dylan at Bianca.

"Dito ka na lang. Wag ka ng bababa sa sala." sabi ni Dylan ng ihatid niya ako sa aking kwarto pagkatapos naming kumain.

"Ha? Bakit naman?" kunot noong tanong ko.

"Isaiah is a shitty playboy kaya lumayo ka doon." inis niyang sabi na ikinatawa ko.

"Okay. Okay. Matutulog na din ako." nginitian ko siya at niyakap.

"Good night." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Good night. Lumayo ka din kay Bianca ha."

"Yes. Sige na. Bababa na muna ako para matapos na namin yung project." tumango ako at nginitian siya. "I love you." sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"I love you too."

High School Love (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora