SCHOOL 7

547 33 1
                                    

JASMINE

"Paano mo naman ako matutulungan? Nanligaw ka na ba dati?" tanong ko kay Simon.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Nanlibre siya at dito daw namin pag uusapan ang sinabi niya kanina.

"Hindi pa ako nanligaw."

"Ha? Eh paano mo ako matutulungan?" kunot noo kong tanong.

"Lalaki ako. Alam ko ang mga gusto naming mga lalaki. Sasabihin ko yun sayo at iyon ang gagawin mo sa nililigawan mo."

Tumango tango ako at tinitigan siya ng maayos. Naningkit ang aking mga mata habang pinag aaralan ang kaniyang mukha.

"At ano naman ang kapalit ha?"

Natawa siya dahil sa aking tanong.

"Wala naman. I just want us to be friends."

"Friends? Or friends with benefits?" taas kilay kong tanong.

Natawa siya at halos hampasin pa ang lamesa.

"Wait, I'm here to help okay. Isa pa.." tinitigan niya din ako at bumaba pa sa aking dibdib ang kaniyang tingin. "Wala akong mapapala." naiiling niyang sabi habang natatawa.

"Ang kapal ng mukha mo." sinimangutan ko siya. "Pero okay na din yun dahil loyal ako kay Dylan."

Hindi na din kami nagtagal doon at umuwi na din dahil pareho pa kaming may pasok mamaya. Ang sakit na ng mga mata ko.

"Give me your phone."

Agad kong ibinigay iyon sa kaniya. Alam ko naman ang gagawin niya kaya hindi na din ako nagtanong. Isa pa talagang inaantok na ako.

"Nandyan na ang number ko. Tatawagan kita mamaya para sa unang plano."

"Okay. Salamat pala sa paghatid ha." tinanggal ko na ang seatbelt at nakahanda ng bumaba.

"Hindi ba delikado dyan?" tinignan ko siya na nakatingin sa eskinita namin kaya tinignan ko din iyon.

"Hindi naman. Kilala ko naman lahat ng tambay dyan."

"Ihahatid na lang kita sa loob." alok niya at aalisin na din sana ang kaniyang seatbelt pero agad ko siyang pinigilan.

"Hindi na no! Baka pagbalik mo dito basag na ang bintana ng sasakyan mo."

"Menor de edad ka pa ah. Hindi mo ba alam na bawal ka pang magtrabaho at may curfew ka di ba?"

"Syempre alam ko naman na bawal no. Eh kaso wala akong magagawa. Nagkasakit si Papa kaya nahinto siya sa pagtatrabaho. Si Mama naman, labandera. Isa pa, Tita noong kaibigan ko ang may ari noong restaurant kaya tinulungan nila akong makapasok. Tsaka ikaw nga nakakapagdrive ka na eh. Ilang taon ka na ba?"

"Ka age mo." nanlaki ang aking mga mata.

"At may license ka na?" gulat na tanong ko.

"Ganoon talaga kapag maraming koneksyon ang mga magulang mo."

"Oh sige na. Umuwi ka na. Salamat ulit." bumaba na ako at kinawayan muna siya bago tuluyang isarado ang pintuan. "Ingat ka."

Antok na antok ako sa klase maghapon. Noong lunch break ay hindi ko napuntahan si Dylan dahil nakatulog ako sa classroom namin.

"Uy okay ka lang ba? Mukha kang zombie dyan." sabi ni Sabrina.

"Puyat lang." humikab ako at kinapa ang aking cellphone sa bulsa ng magvibrate ito.

Poging Simon calling..

Natawa ako ng mahina ng makita ang nilagay niyang pangalan sa aking cellphone. Siraulo talaga.

"Hi pogi." bungad ko sa kaniya ng sagutin ko ang kaniyang tawag.

"Hey! Ready for the first step?"

"Oo naman! Tsaka ikaw palagi ang tumawag ha. Wala akong load eh."

"I know. Hitsura mo pa lang eh."

"Bastos 'to ah!" natawa siya at alam kong umiiling iling na naman siya. "Ano ba ang first step?"

"Ipakita mo sa kaniya na gustong gusto mo siya."

"Yun na nga ang ginagawa ko."

"Pwes. Dagdagan mo pa. Dapat yung talagang masasanay siya na palagi kang nandiyan. Be extra sweet."

"Okay sige. Madali lang yun."

"Gawin mo yun sa loob ng isang linggo. Next week ko sasabihin ang second step."

Sa loob ng isang linggo ay yun nga ang ginawa ko. Kung pwede nga lang na lumipat na ako sa section ni Dylan ay gagawin ko na din.

"May kailangan ka pa? Gusto mo ng juice o kaya sandwich?" tanong ko kay Dylan na nag rereview dito sa rooftop.

"Okay na ako. Magreview ka na din dyan."

Tumango ako at naupo ng maayos sa kaniyang tabi. Yup. Sabay kaming nagrereview ngayon.

"Bukas sabay tayo ulit maglunch ha. Magluluto ako ng menudo." ngiting ngiti kong sabi sa kaniya.

Tulad nga ng sinabi ko noon ay hinahatid ko lang siya sa labas ng kanilang bahay para wala ng makakita sa akin.

"Umuwi ka na." tumango ako at nginitian siya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa kanilang gate. Tumalikod na din ako at naglakad na pauwi.

"Ang aga mo naman tumawag." sabi ko kay Simon ng tumawag siya ng alas sais ng umaga.

"Nangangamusta lang. Anong ginagawa mo?"

"Ito nagluluto ng menudo para sa lunch namin mamaya." nakangiting sagot ko kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Wow. Pahingi naman."

"Okay. Medyo madami naman ito."

"Great! Sunduin kita?"

"Okay. Magtext ka kapag nasa kanto ka na."

Pagkatapos kong magluto ay naglagay na ako ng ulam sa dalawang tupperware at kanin sa tatlong tupperware. Naligo na din ako at nag ayos.

"Wow! Talagang pinabaunan mo din ako ha." ngiting ngiti si Simon ng pumasok ako sa kaniyang sasakyan at inabot sa kaniya ang paper bag na naglalaman ng ulam at kanin na para sa kaniya.

"May kanin na din yan para hindi ka na bumili."

"Thanks!" sabi niya habang sinisilip ang loob ng paper bag.

Nagmaneho na din siya papunta sa school.

"Kamusta na? Ginagawa mo ba yung sinabi ko?"

"Oo no. Heto nga at nagluto pa ako. Malay mo, masanay siya na pinagluluto ko siya." nakangiti kong sabi.

Tumango tango siya at nagfocus na sa pagmamaneho.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now