SCHOOL 30

502 21 0
                                    

JASMINE

"Happy 18th birthday, Jasmine!"

Napangiti ako kasabay ng pagpikit para magwish. Pagdilat ay hinipan ko ang kandila sa aking harapan. Tinignan ko ang mga taong nasa harapan ko. Mabibilang lang ang mga bisita ko ngayon. Gusto sana nila Tita at Tito ay maging engrande ang debut ko pero tumanggi ako at sinabing mas gusto ko yung kami kami lang at iilang mga malalapit na kaibigan.

Dalawang taon na din ang lumipas simula noong mamatay ang aking mga magulang. Last year naman ay nabalitaan kong nagpakamatay si Ninong Andres sa kulungan. I feel sorry for him pero siya naman ang may kasalanan eh. Kung hindi niya pinatay ang mga magulang ko, edi sana buhay pa siya ngayon at kasama ang kaniyang pamilya.

"Happy birthday hija!" nakangiting sabi ni Tita Adelaine at niyakap ako.

"Thank you po Tita."

"Here's our gift for you." napangiti ako at kinuha ang maliit na kahon na binigay ni Tito Armand. "Si Tita mo ang pumili niyan."

"Nag abala pa po kayo eh dalawang taon na nga po akong nakakatanggap ng regalo sa inyo."

"Wala yun, Jasmine." niyakap ko ulit si Tita at nagpasalamat.

"Happy birthday beshy!" ngiting ngiti na sabi ni Sabrina.

"Salamat Sab."

"Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang high school tayo pero sa susunod na pasukan college na tayo."

"Oo nga eh. Naisip mo na ba kung anong course ang kukunin mo?"

"Hindi pa. May isang buwan pa naman para mag isip." natawa ako at napailing na lang.

"Happy birthday, Jas."

"Thank you Raven!"

"Gift ko sayo. Binili ko yan sa mall kasama si Mommy." nahihiyang sabi niya at inabot sa akin ang isang malaking kahon.

"Aww. Nag abala ka pa. Salamat." nakangiting sabi ko.

Pumasok ako ng mapansing wala sa labas si Dylan. Napasimangot ako ng makitang nasa sala lang siya kasama si Elijah.

"Bakit hindi ka lumalabas?" nakasimangot kong tanong ng makaupo sa kaniyang tabi.

Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi.

"I know you're busy with your visitors. Mamaya na lang sana kita lalambingin." nakangising sabi niya na ikinatawa ko.

"Oh God! You two are so cheesy!" natawa kami sa sinabi ni Elijah.

"Ligawan mo na kasi si Sabrina." pang aasar ko na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"What?! No! Ang dami dami kong babae no. Ayaw ko sa masyadong maingay." naiiling niyang sabi.

Nang makauwi ang mga bisita ko ay tinulungan ako ni Nanay Delia na iakyat ang mga natanggap kong regalo sa aking kwarto. Si Dylan naman ay hinatid ang lasing na si Elijah at isinabay na din si Sabrina.

He can drive on his own now. Two months ago kasi ay siya ang nagcelebrate ng 18th birthday at sasakyan ang niregalo ni Tito at Tita sa kaniya.

"Thank you po Nay." nakangiting sabi ko.

"Happy birthday ulit, Jasmine." nakangiting sabi niya at hinaplos ang aking pisngi. "Dalagang dalaga ka na ngayon at ang ganda ganda mo. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay ni Dylan. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay namin." niyakap niya ako. "Wag na wag mong iiwan si Dylan ha. Alam kong hindi niya kakayanin kapag nangyari iyon."

"Opo Nay." nakangiting sagot ko.

Naligo muna ako bago buksan ang mga regalong natanggap ko. Nang makalabas sa banyo ay naabutan kong nakahiga si Dylan sa aking kama.

"Kadarating mo lang?" tanong ko habang pinupunasan ng tuwalya ang aking buhok.

"Kanina pa." tumango ako at umupo sa harapan ng salamin.

Naglagay ako ng night cream sa mukha at sinulyapan siyang nakatitig sa akin.

"Bakit?"

"You're so beautiful." seryosong sabi niya na ikinatawa ko.

"Kaya ikaw wag mong susubukan na maghanap ng iba. Malaki ang mawawala sayo kapag pinagpalit mo ako." pagyayabang ko na ikinangiti niya.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod at tinitigan ako sa salamin.

"Hinding hindi ko gagawin yun. Happy birthday baby."

Humiwalay siya sa akin at may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Nagulat ako ng makita ang kwintas na hawak niya at may pendant na singsing.

"Baby.."

Ngumiti siya sa naging reaksyon ko at isinuot na sa aking leeg ang kwintas.

"Isusuot ko ang singsing na yan sa daliri mo kapag dumating na ang tamang panahon." hinawakan ko ang singsing at napangiti.

"Magpopropose ka na ba?"

Pumunta siya sa aking harapan at bahagyang umupo sa sahig.

"Soon." nakangiting sagot niya. "I don't want to pressure you kaya hindi na muna ngayon. I know you have a lot of things you want to do first before we settle down. Hahayaan muna kitang gawin ang mga yun."

"Dylan." naiiyak kong sambit sa kaniyang pangalan.

"Just keep it first. Keep it as you keep my heart with you."

Napangiti ako at tumango tango. Ngumiti din siya at hinalikan ako sa aking labi. Napangiti ako at naalala ang unang halik namin noong first anniversary namin. Ganitong ganito din yung pakiramdam. Walang nagbago. It feels like it's our first kiss.

High School Love (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant