SCHOOL 15

617 35 9
                                    

JASMINE

Pagkatapos kumain ay niyaya ako ni Simon na magstay muna sa playground na malapit.

"Anong gagawin natin dito? Maglalaro ka?" pang aasar ko sa kaniya.

"Panoorin natin ang mga batang naglalaro?" hindi siguradong sagot niya kaya natawa ako.

Naupo ako sa duyan at tumabi naman siya sa akin.

"Bored ka ba sa inyo kaya gusto mong tumambay dito?"

"Yeah. Bukod sa mga yaya ay wala na akong ibang kasama doon." nilingon ko siya.

"Nasaan ang parents mo?"

"Busy sa work." tipid niyang sagot.

"Wala kang kapatid?"

"May half brother ako."

"Talaga? Nasaan siya?" tinignan niya ako ng masama.

"At bakit interesado ka? Tss. Sinabi ko lang na may half brother ako nagningning na agad ang mga mata mo."

"Baliw! Nagulat lang ako." depensa ko.

"Nasa States siya. Next month ang balik niya dito." tumango tango ako at hindi na ulit nagtanong. "Ikaw? Wala kang kapatid?"

"Wala eh. Noong ipinanganak kasi ako ni Mama umalis si Papa para magtrabaho sa Saudi kaya hindi na nila ako nasundan."

Natahimik kami pareho at pinanood na lang ang mga batang naglalaro. Napangiti ako ng maalala ang aking kabataan. Yung mga panahon na ang tanging iniiyakan ko lang ay kapag nadapa ako. O kaya hindi naibigay ang gusto ko. Hindi tulad ngayon na umiiyak na ako dahil sa ibang tao.

"Sana pwede tayong bumalik sa pagkabata kapag nasasaktan no." wala sa sariling sambit ko. Nilingon ko siya na seryosong nakatitig lang sa akin. "Naranasan mo na bang magmahal at masaktan?"

Nag iwas siya ng tingin at bahagyang ngumisi.

"Hindi pa."

"Tss. Kung sa bagay, sino ba naman ang mananakit sayo? Sa dami ng babaeng nagkakagusto sayo siguradong may mapipili ka doon at magiging madali na lang ang buhay para sayo. Sila na ang lalapit sayo at pipili ka na lang."

"Hindi purkit maraming nagkakagusto sa akin magiging madali na ang lahat. Paano kung wala sa kanila yung babaeng gusto ko? Paano kung may gusto siyang iba habang nasa harapan niya lang ako at hindi man lang binibigyan ng pansin?" natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi at napatitig sa kaniya. "Pwedeng pareho tayo. Hindi tayo gusto ng taong gusto natin. Hindi nila tayo makita kasi sa iba sila nakatingin. Hindi nila tayo magawang mahalin kasi sinarado na nila ang puso nila para sa maling tao."

"Salamat. Mag ingat ka sa pagmamaneho." nakangiting sabi ko ng makarating sa kanto namin.

"Wala kang pasok ngayon?" tanong niya at biglang lumapit sa akin para tanggalin ang aking seatbelt.

Nahigit ko ang aking paghinga at napatitig sa kaniyang mukha. Agad akong nag iwas ng tingin ng tumingin din siya sa akin.

"W-wala. B-bukas pa." nauutal kong sagot.

Tumango tango siya at saglit akong tinitigan bago ibinalik sa harapan ang tingin. Nakita ko pa ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa manibela at ang paggalaw ng kaniyang panga.

"Alis na ako." paalam ko ulit at tuluyan ng lumabas sa kaniyang sasakyan.

Hindi ko na siya muling nilingon pa at naglakad na papunta sa bahay.

"Oh. Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mama. Nginitian ko siya at nagmano.

"May pinuntahan lang Ma. Si Papa?"

"Katutulog lang. Medyo umaayos na ang lagay niya."

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Mabuti naman. Sana magtuloy tuloy na." nakangiting sabi ko.

Hinawakan ni Mama ang aking mga kamay at nginitian ako.

"Kaunting tiis na lang anak. Kapag bumalik na sa dati ang Papa mo pwede ka ng huminto sa pagtatrabaho at magfocus sa pag aaral mo."

"Okay lang Ma. Kahit gumaling na si Papa. Magtatrabaho pa din ako para matulungan kayo."

Pagkatapos naming mag usap ni Mama ay dumiretso ako sa aking kwarto. Naupo ako sa kama at muling naalala ang sinabi ni Simon kanina.

Huminga ako ng malalim at umiling iling. No. Hindi ito pwede. Kaibigan ko si Simon. Hanggang doon lang.

Napapikit ako at tuluyan ng humiga. Natulala ako sa kisame at naalala naman si Dylan. Napangiti ako ng mapait ng makita kung paano siya yakapin noong babae kanina.

Bagay naman sila. Maganda yung babae at mukhang galing din sa mayamang pamilya. Dapat lang na ang katulad niya ang makatuluyan ni Dylan.

Napabangon ako ng kumatok si Mama. Bumukas ang pintuan at sinilip niya ako.

"May lalaki sa labas. Hinahanap ka."

Napatayo ako at napakunot ang noo. Lalaki? Imposible namang si Simon dahil hindi naman niya alam dito. Mas lalo na si Dylan dahil isang beses niya pa lang ako nahatid dito at hindi pa siya umabot dito.

Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba na para tignan kung sino ang naghahanap sa akin.

Paglabas ko ng aming bahay ay napaawang ang aking bibig ng makita kung sino ang lalaking naghahanap sa akin.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now