SCHOOL 34

425 19 0
                                    

JASMINE

Habang naghuhugas ng kamay ay napatingin ako sa salamin. Bumuntong hininga ako at sinarado na ang gripo. Umiling iling ako ng muling maalala ang reaksyon ni Simon kanina noong magpakilala si Hiro sa akin.

No, Jasmine. Walang meaning yun. Stop overthinking. Gusto ka lang niyang protektahan sa mga lalaking katulad ng Hiro na yun.

Natigil ako sa pag iisip ng kung anu ano ng magvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng aking palda at nakitang si Dylan ang tumatawag.

"Hi baby!" pinilit kong siglahan ang aking boses ng sagutin ang kaniyang tawag.

"Miss na kita." napangiti ako dahil sa kaniyang sinabi.

"Ilang oras pa lang na hindi tayo magkasama no." natatawang sabi ko.

"Gusto na kitang sunduin ngayon."

"Baliw."

"Kamusta naman? May lalaki bang umaaligid sayo dyan?" nakagat ko ang aking pang ibabang labi at inisip kung ngayon ko na ba sasabihin na kaklase ko si Simon o mamaya na lang para makapag usap kami ng maayos.

"May sasabihin ako sayo mamaya."

Natigilan siya at hindi agad nagsalita pero alam kong nandoon pa din siya dahil naririnig ko ang kaniyang paghinga.

"Okay. I love you."

"I love you too."

Nang makabalik sa classroom ay parehong tahimik sila Simon at Sabrina. Nang dumating ang aming professor ay tahimik akong nakinig sa kaniyang mga sinasabi.

"Grabe! May homework tayo agad! First day na first day eh." reklamo ni Sabrina ng matapos ang klase.

Naglalakad na kami palabas. Kanina pa nagtext si Dylan na nasa gate na daw siya. Kasabay naming naglalakad si Simon. Tahimik lang siya at pasulyap sulyap sa akin.

"Susunduin ka ni Dylan?" tanong ni Sabrina.

"Oo. Nasa labas na daw siya. Gusto mong sumabay?"

"Ah hindi na. Baka ma-op lang ako sa inyo." pagtanggi niya at umiling iling pa.

"Ingat ka ha." nakipagbeso ako kay Sabrina ng makalabas kami ng gate. Nilingon ko naman si Simon at nginitian. "Bye."

"Ingat." sagot niya at nginitian din ako.

Tumango ako at naglakad na papunta kay Dylan na nakatingin kay Simon. Saka lang niya ako tinignan ng nasa harap niya na ako.

"Tara na."

Tahimik niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat. Pumasok na ako at sinundan siya ng tingin pasakay sa driver seat.

"Schoolmate kayo?" tanong niya habang ikinakabit ang seatbelt sa akin.

"Actually, classmate kami." mahinang sagot ko.

Tinignan ko ang kaniyang ekspresyon. Saglit siyang natigilan pero ipinagpatuloy din ang ginagawa. Nang matapos ay agad siyang lumayo sa akin at ikinabit ang kaniyang seatbelt. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi na ako nilingon pa.

"Galit ka?"

"Nope."

"Eh bakit hindi mo ako pinapansin?" nagtatampong tanong ko.

Bumuntong hininga siya at saglit akong nilingon. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon.

"I'm sorry." humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "I know I shouldn't be like this but I can't help it."

Napalunok ako at tinignan ang mga kamay naming magkahawak. He's holding me so tight like he doesn't want to let me go.

And I will hold him tight too.. because I don't want to lose him..

Isang buwan na din ang nakalipas simula noong magsimula ang aming klase. Pumapasok na din si Dylan at minsan niya lang ako mahatid at masundo dahil hindi magkapareho ang schedule namin. Minsan ay sinusundo ako ng driver pero kadalasan ay nagcocommute din ako.

"Baby!" kumatok ako sa pintuan ng kaniyang kwarto bago tuluyang pumasok. Napailing ako ng makitang tulog pa siya. "Baby." hinaplos ko ang kaniyang mukha at hinalikan ng mabilis sa labi.

Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata at nginitian ako.

"Good morning baby."

"Good morning din. Aalis na ako."

"Ihahatid na kita." sabi niya at bumabangon na.

"Hindi na. Matulog ka na lang muna. Sunduin mo na lang ako mamaya, okay?" hinalikan ko siya ulit at nginitian. "I love you. Bye."

"I love you too. Ingat ka."

Kumaway ako sa kaniya bago tuluyang lumabas ng kaniyang kwarto. Nagpahatid ako kay Mang Timyo sa school.

"Salamat po. Ingat po kayo pauwi."

"Ingat ka din hija."

Nang makababa sa sasakyan ay tumakbo na ako papunta sa aming building. Hays. Late na ako. Nang makarating sa aming room ay nandoon na ang aming professor.

"Good morning po, Sir. Sorry po, I'm late." nahihiyang bati ko.

"Pumasok ka na. Kadarating ko lang din naman."

Ngumiti ako at naglakad na papunta sa aking upuan. Nilakihan ako ng mata ni Sabrina na ikinangiwi ko. Tinignan ko din si Simon at nginitian. Ngumiti din siya pabalik at nanatili ang tingin sa akin.

Pagtingin ko ulit sa harapan ay nakita ko si Hiro na nakatingin sa akin. Ngumisi siya at naupo na din ng maayos. Napakunot noo ako. Ano na namang problema ng lalaking yun?

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now