Chapter 50: What to do, Amaranthe?

217 13 0
                                    



Amaranthe's POV


Hindi ako mapakali sa aking sarili na kahit pagtulog ko ay binabagabag ako. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa paulit-ulit na sumagi sa isipan ko ang iba't-ibang imahe. May mga bagay talaga na hindi mo inaasahang magagawa mo at pagsisisihan mo ito habang buhay.





Nakatulala lang ako habang hawak-hawak ang kamay ni lola na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumising. Isa isa ko ring pinunasan ang mga luhang tumatakas sa aking mga mata sa tuwing maaalala ko ang mga masasayang bagay na nangyari sa buhay ko rito sa South.





Kinakabahan lang ako na baka lahat ng pinaghirapan ko ay mauuwi lang sa wala.





"Cheer up Ame, ikaw si Amaranthe Del Fiorre kaya huwag kang magpapadaig sa ganito," pangungumbinsi ko sa sarili.





Kinalaunan ay dumating na sina Stephanie at Warren sa room na may dala-dalang pandesal kaya kumain na muna ako.






"Bakit parang puyat na puyat ka Ame? Okay ka lang ba?" tanong ni Stephanie.






"Ah, oo, hindi lang kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil may ginagawa ako," pagrarason ko pa.






Biglang nag vibrate ang phone ko at nabasa kong si Mr. Sua pala ang tumawag. Kapag siya na ang unang tatawag ay sigurado akong may emergency.





"Yes, Mr. Sua?" sagot ko.






"Miss Amaranthe, bumalik na po kayo sa North agad agad, may nangyari po kay Sir Anarson," sumbong niya.






"H--ha? Anong nangyari kay Kuya An?" tanong ko.






"Miss nasa kulungan ngayon si Sir Anarson dahil nakapatay po siya, at kailangan niyo na po talagang bumalik dahil bukas na mangyayari ang succession ng kompanya," pag-aalalang tugon ni Mr. Sua. Ngayon ko lang narinig na ganito ang pananalita ni Mr. Sua pero mas nananaig pa rin ang kaba ko sa pagpapaaga ng succession day ng DF at pati sa kalagayan ni Anarson.






"W--wha--ba---bakit napaaga ang succession? Bukas??" sigaw ko kaya pati sina Stephanie at Warren ay nagulat sa akin.






"Yes miss, don't worry I already booked a flight for you earlier, ang departure ay ngayon 7:45 ng umaga," Mr. Sua.





Pagkatingin ko sa orasan ay 7:04 AM na.





"Warren I need you to come with me," hinila ko siya palabas ng hospital at sabay na kaming sumakay ng sasakyan ko.






"A--ate? Saan tayo papunta? A--ang bilis mo namang magpapatakbo ng sasak--yaaan," reklamo ni Warren na napasulok sa may bintana habang mahigpit na nakahawak sa itaas.





It's 7:36 AM at nakarating na kami sa airport. Agad akong bumaba ng sasakyan.





"A--ate s-saan ka pupunta?" naguguluhang tanong ni Warren.





Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng sasakyan ko. "Warren, alagaan mo ang sasakyan ko ah, ibibigay ko na ito sa iyo bilang karagdagan ko sa pabor ko. Magpapakabait ka kay lola."






"H--h--haaa?" Warren.





"Bye!" paalam ko at dali daling pumasok sa loob.





The President's GirlWhere stories live. Discover now