Chapter 31: Meet You

171 10 0
                                    


Amaranthe's POV





Parang nagyeyelo ang mga binti ko sa gulat.





"Ikaw ang may-ari ng Twistolar?" Pilit kong kinompirm kay Rowss. Halos mapatunganga ako simula entrance hanggang sa opisina niya.





MOTHER OF REVELATION!





I am totally speechless about this. He's the President of Twistolar Company, the company I admired so much.






"Yes, but why do you look so surprised? Dahil ba sa rumors na naririnig mo sa school tungkol sa kompanya namin?" tugon niya. Nagpatuloy lang siyang mag-scan ng mga papeles sa drawer niya kaya umexit muna ako sandali.





"I---I want to go to the restroom," ako.






"Okay babe, may restroom sa pinakadulo ng hallway," itinuro niya ang daan.






Nasa restroom na ako at pinilit kong i-absorb lahat ng impormasyon piece by piece. Unang-una, Twistolar is not in good shape because of Crystal so they need financial assistance from bigger companies, and then I saw their invitation card in my brothers' room yesterday. Pangalawa, he's dating the only daughter of DF Company without him knowing, wala talaga siyang ideya kung sino ako. And lastly, lastly..... lastly...






"No Rosalia, I still need to talk to Rowss, bakit kailangan mo pa ang presensya ko? Hindi pa ba sapat na kinuha mo ng bitag ang anak ng DF?" Biglang pagsasalita ng babaeng kakapasok lang din sa restroom.






Napatingin ako sa kaniya mula sa salamin na nasa harapan ko, but she just rolled my eyes on me. Who's Rosalia? Ah oo nga pala, yung linta na kumapit sa braso ng tanga kong kapatid.






Tumabi siya sa akin habang hinuhugasan niya ang kamay niya. Wala man lang siyang pakialam na may ibang tao ritong nakikinig sa pinagsasabi niya.







"What? Of course not, just call me later okay? rinig kong nandito na kasi si Rowss sa office kaya I still have to do some scolding kung bakit niya ako iniwan sa hotel kanina," dagdag niya.




Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at napanuya nang wala sa oras. Napansin niya yata kaya siya humarap sa akin at sinamaan ako ng tingin.





"What're you laughing at?" Taray niya.





Hindi ko siya sinagot pero sinamaan ko rin siya ng tingin. Lumabas akong nakakagot ang ngipin.





"Bitch!" sabi niya na dinig na dinig ko pa.





Dahan-dahang na namang tumaas ang mga sungay ko sa kaniya. Kapatid yata 'yon ng fiancee ni Alkerson. Magkapareho sila, mukhang linta.






"Babe, what happen?" Bungad ni Rowss. Nadatnan kasi niya akong nakakunot ang noo.






"Parang may masapak ako sa oras na'to," inis na tugon ko dahil wala na ako sa mood.






Lumabas na rin ang babae at ang sunod kong namalayan ay niyakap niya si Rowss sa harap ko mismo. Sa harap ko?! Nanlaki ang mga mata ko. Who does she think she is?





"A-Anastacia what are you doing here?" tanong ni Rowss sa babae. Nakatitig lang ako sa kanila na parang nakalimutan nilang nandito ako.






The President's GirlWhere stories live. Discover now