Chapter 15: Accident

216 15 0
                                    


Amaranthe's POV




Mabuti nalang dumating agad ang ambulansya. Napahawak ako sa kamay ni Rowss dahil sa sobrang pag-aalala. Bakit naman nandito siya? Bakit siya ang tinamaan imbis na ako? Hindi ko pa maabsorb ang pangyayari, it all happened so fast.





Agad na dinala sa emergency room si Rowss habang ako naman ay luhang-luha na sa nangyari. Hindi ako mapakali at wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan niya.





Hindi ko din alam kung sino ang pwede kong tawagan, ang nasa phone book ko lang ay sina lola, Stephanie, Mr. Sua at ang pamilya ko.





Biglang lumabas ang doctor at nurse, "Hi ikaw ba ang guardian ng pasyente?" 





"A-ah, o-opo," tugon ko.





"Ka anu-ano n'yo po yung pasyente," tanong ng nurse.




"A-ano," hindi ko alam kung anong sasabihin ko.




"We have to perform an immediate surgery miss, pwede mo ba makontak ang mga magulang niya?" wika ng doctor.






"A-ah, s-sige po, just--just perform the surgery right away, I'll contact his family," ako.





"We need his family's approval first miss," doctor.





"F-Family niya ho ako, I'm--I'm his girlfriend, just--just perform the surgery please, I'll take responsibility for everything," natataranta na ako.





Grabe para na akong mahimatay sa kaba, hindi na ako makapag-isip nang matino. Paano ko naman makokontak ang pamilya ni Rowss, hindi ko naman siya talaga ka anu-ano.





Sinubukan kong tawagan si Stephanie pero naka-turn off ang phone niya. Paano ko ba ito masosolusyunan?





Pagkatapos ng mahigit isang oras. Lumabas ulit ang doctor. "Miss, successful po ang operasyon, he's fine now pero kailangan pa muna niyang magpahinga sa ngayon."





Agad akong nakahinga ng maluwag nang malaman kong okay na siya. "Salamat po doc, maraming salamat talaga."





"Please sign these papers," doctor.





"Uhh, request po ako ng VIP room para sa kaniya," ako.






Hay nako Rowss Blaze Sanchez, ewan ko na talaga sa'yo, ba't mo ba ginagawa sa akin ito ha? Nanggigigil na ako sa'yo, kapag magaling ka na humanda ka talaga sa akin.





Kinalaunan, dinala ako ng mga nurse sa kwarto ni Rowss. Naluha na naman akong makita siyang nakapikit ang mga mata at ang daming pasa sa katawan. Kanina lang nakangiti ka pa pero ngayon nandito ka na sa isang hospital. Aatakihin ako sa puso nang wala sa oras dahil sa'yong lalaki ka.





"Excuse me miss, mga gamit po niya," sabi ng nurse sa akin and gave me Rowss' things including his phone.





I should call for his parents, pero pag open ko sa phone niya ay may passcode.





"Ugh! Mababaliw na ako sa kakaisip!"




KINAUMAGAHAN.




Agad kong tinawagan si Stephanie, nagbabasakali akong gising na 'yon ngayon.





The President's GirlWhere stories live. Discover now