Chapter 21: The Deal

200 13 2
                                    

Amaranthe's POV





SUNDAY MORNING. Ang sarap ng tulog ko sana pero biglang pumasok sa kwarto ko si Stephanie. Mukha rin siyang batang nawawala ngayon. Nakasimangot.






"It's so early in the morning, anyare ba sa'yo?" Tanong ko.





"I'm so sad."






Bumangon ako, half awake. Sunday ngayon, supposedly tanghali na ako gigising. Ano na naman kayang problema ng babaeng 'to?






"Kakagising mo lang ba o hindi ka natulog?" Tanong ko ulit.







Hindi siya sumagot, sa halip ay tinabihan niya ako sa higaan. Napansin kong dala-dala niya ngayon ang phone niya. At isa lang ang unang pumasok sa isip ko.






"Si Lenz na naman?" Tanong ko.






"Ame, he didn't text me after we parted ways yesterday, I'm still waiting for his reply right now, para na akong mabaliw," tugon niya.






"Huh? Baka naman busy lang 'yon o walang load o nakalimutan niya lang na replyan ka, hintayin mo nalang baka mamaya masapian ng anghel ang utak nun," advice ko. Napahikab ako. Wala akong idea sa love life kaya wala rin akong kwentang makapag-advice.







"Tingnan mo oh, I already sent 30 messages pero walang reply, seen lang." Ipinakita niya sa akin ang conversation nilang dalawa.







I'm shocked. "Ghad, you're really super duper obsessed with him girl, hindi mo ba narealize 'yon?"






"Ame, ano ng gagawin ko? Baka may nagawa akong mali sa kaniya o nasabi, ewan para na ngang gusto ko siyang puntahan sa bahay niya eh," Stephanie.






"Pinsan. Unang-una, magjowa ba kayo ha? Pangalawa, hindi lang ikaw ang priority niya. Pangatlo, babae ka kaya have some dignity girl. You know, we girls are always okay to do the first move, pero not to the point na palagi nalang, no no na ako niyan." Humiga ako ulit. Ayokong sirain ang umaga ko sa problema nila.






"It's because of me right? May problema ako sa sarili kaya nangyari ito," she said while looking at her phone.






"Oo nga, nasa iyo nga ang problema, sobrang attached mo na sa kaniya, pakitanggal nang dahan-dahan baka mamaya iiwan ka niyan sa ere," tugon ko.






"WAAAH! Ame, ayokong mawala siya sa akin."






KINALAUNAN, nasa living room kaming dalawa habang nanonood ng Hollywood Series. Nagluto si Stephanie ng popcorn para sa aming dalawa, hindi kasi ako marunong nun. Bigla namang dumating si Warren sa bahay namin at nakisalo sa foodtrip.






"Sana bumili nalang din kayo ng fries," suhestiyon ni Warren.






"What are you doing here kiddo? Diba may PC kana sa bahay niyo?" Taray ko sa kaniya.






Ngumiti lang siya. Ngiting pang-kriminal. "Ate Ame, pwede mo ba papuntahin si Kuya Rowss dito ngayon?"






"Bakit ko naman gagawin 'yon?"





"Girlfriend ka niya, tapos ang mga lalaki nakikinig talaga sa mga girlfriend nila," tugon niya.





"Wow naman, kung makapagsalita parang may girlfriend ah," react ko.






"Meron naman talaga akong girlfriend kaso nasa North siya ngayon dahil sa business ng papa niya, LDR kami," sagot niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.






"Teyka, 10th grader ka pa lang ah, ang bata-bata mo pa para dun," ako.







"Ate, wala namang masama dun kung marunong ka lang humawak ng relasyon diba? At isa pa legal kami sa isa't-isa," depensa pa niya.






Hindi ko talaga maiintindihan ang mga kabataan ngayon, hay.





"Ate, pwede mo bang imbitahan si Kuya Rowss para sa stage play namin? Movie kasi niya ang itatanghal namin, at pinagsabihan ko rin ang mga kaklase ko na kapamilya ko ngayon si Rowss Sanchez," Warren. Sinasabi niya iyon habang inuubos niya ang bagong lutong popcorn.






"May movie 'yong gagong 'yon?" Ako.





"Boyfriend mo pero di mo alam?" Warren.






Aba? Ay malamang kiddo, hindi ko kasi 'yon totoong boyfriend. Kung makapagsalita talaga parang alam na lahat. Tsk tsk.






"Huwag mo ng kulitin si ate Ame mo, Warren, busy guy kasi si Rowss kaya hindi 'yon naiinvite agad-agad," tanggol ni Stephanie sa akin.





"Pero sige na ate Ame, promise gagawin ko lahat ng gusto mo basta makapanood lang siya sa play namin," Warren.





"Kailan ba 'yon?" Ako.





PAGKATAPOS naming mananghalian, biglang nagvibrate ang phone ko, galing sa unknown caller. Sinagot ko naman.






"Hello?" sagot ko.





Narinig kong tumawa saglit ang nasa kabilang linya. "Hi, Amaranthe Del Fiorre," sagot ng boses Rowss.






"How did you even get my--?"





"Ewan, I was also wondering kung bakit may nag-iba sa phone ko at ngayon ko lang napansin. I didn't know my girlfriend is sneaky," tugon niya.





Napapikit ako ng aking mga mata. Damn, I forgot to delete my number in his phone.





"But since nakausap naman kita, tara let's hang out, I'll be outside your subdivision in an hour," offer niya.





"No, sunday ngayon kaya huwag ka munang mangulit," ako.






"Kaya nga, sunday ngayon kaya mag-out of town tayo, ano bang gagawin ko para pumayag ka," tanong niya.





"Bakit ba ang tigas--," napahinto ako sa pagsasalita nang maalala ko si Warren.





"Oo nga babe, matigas talaga akin," sarcastic na tugon niya.





Wow, nagmamayabang ang loko. I scoffs. "Sige papayag na ako pero sa isang kondisyon."





"Sure, kahit na ano babe, para sa'yo," pagmamayabang na naman niya.





"The condition is, we have to attend an event, may event si Warren sa school nila kaya pupunta tayo."





"Aysus, walang problema babe."





Konti nalang, maiinis na ako sa kayabangan nito. But that what makes him as Rowss Blaze Sanchez. I got to meet his celebrity side, but I am also wondering kung anong ugali mayroon siya sa kaniyang pagiging tagapamuno ng isang kompanya?





"Lola alis po muna ako," pamamaalam ko kay lola.






Sinipot ko si Rowss sa usapan namin. As usual naka casual lang ang kasuotan ko samantalang si Rowss naman ay nakapamorma talaga. Ibang sasakyan ang dala niya ngayon, mas malaki, kaya dinala niya ako sa lugar na medyo malayo sa amin, at isang lugar na matagal ko ng hindi napuntahan, AMUSEMENT PARK.





Paano kaya niya nahulaan na magiging masaya ako sa lugar na ito? Sobrang gaan ng pakiramdam ko, una dahil naalala ko ang masasayang ala-ala dati noong bata pa ako at pangalawa dahil ang taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko ang siyang magpapabuhay muli ng matagal nang patay na damdamin ng puso ko.






END OF CHAPTER 21.
ITUTULOY...

The President's GirlWhere stories live. Discover now