Chapter 49: Failure

196 11 0
                                    

Heartbeat

Heartbeat

Heartbeat stops



A moment of silence



Time of death. 05:15 AM January 22, 2021




###



Rosalia's POV




CURRENT TIME OF THE DAY:
10:47 PM
January 21, 2021






Nakarating na ako sa airport, tinawagan ko ang assistant kong nasa Northern Sector na si Polina.






"Magandang gabi ho ma'am Rosalia," bati niya sa kabilang linya.





"Polina, may flight ako papuntang North in an hour, I want you to prepare my rest house before I arrive there," utos ko. Agad naman siyang tumango tapos binaba na namin ang call.






Sinubukan ko ring tawagan si Anastacia pero hindi siya sumasagot, malapit nang mag-aalas onse ng gabi. Naisipan ko nalang na iwan siya ng mensahe.





PAGKALIPAS NG DALAWANG ORAS.





Anarson's POV

Agad-agaran kaming pinapapunta ni dad sa kaniyang opisina sa bahay, pagkatingin ko sa orasan ay ala-una pa ng madaling araw ngunit seryoso ang mga ekspresyon sa mukha nila. Nasa loob na ng opisina pagpasok ko sina dad, Alkerson, si mom, si Mr. Sua, at ang mga top agent ng kompanya namin.





"Heyo! Everyone's here! Kulang nalang si Amaranthe at makokompleto na ang Pamilya de Del Fiorre sa kwartong 'to," masiglang bungad ko sa kanila pero niisa ay walang ngumiti. Okay fine, korni.





"Anak Anarson, maupo ka iho may pag-uusapan lang tayo," wika ni mom na siya lang ang pumansin sa akin.





"Ma? Anong pag-uusapan? Is it going to be serious? Since nandito ka rin despite of being busy at the White House?" agad na tugon ko at napaupo sa 'di kalayuan ni Alkerson.






"We decided to move the succession tomorrow in the afternoon," sapaw ni dad na seryosong nakatingin sa akin.






"WHAT?! T--Tomorrow? You're kidding right?" kompirma ko.






"Just give up the company Anarson, wala ka rin namang mapapala sa pagiging trying hard mo eh," singit naman ni Alkerson.






"No," agad na tugon ko at ngayon ay nabahidan ng seryoso ang ekspresyon ko.






"Wala kang kapangyarihan para pigilan kami sa desisyon namin," wika naman ni dad kaya uminit ang ulo ko.






"Really? Kung tutuusin nga ako ang mas may karapatang umangkin sa kompanya dahil ako ang mas nakakatanda ni Alkerson, at isa pa kung mananalo si Alkerson isa lang ang patutunguhan ng lahat ng ito kundi ang pamamaalam ng Del Fiorre sa mapa ng negosyo," paliwanag ko sa side ko. Pero kahit pa man na ilang katagang ilalabas ko sa bibig ko, niwalang makikinig sa akin.







"Just let Alkerson succeed the company," wika naman ni mom.






"Ma? Pati naman ikaw?" sumbat ko.







The President's GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang