PROLOGUE: The President's Girl

743 31 0
                                    

--TRAILER Above, please view--

THE PROLOGUE.

"Amaranthe Deragasian Del Fiorre! How many times do I have to warn you-- STAY OUT OF TROUBLE!"

Kakapasok ko pa lang sa opisina ni Dad rito sa bahay pero iyon na ang ibinungad niya sa akin. Sa halip, napangisi niya ako, ngisi na sanay na sa mga sermon niya sa akin, this is not new to me anymore.

"This is the last time I am warning you young lady, isang ulit pa! I will definitely send you to your grandmother."

Naglaho ang ngisi sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Grandmother's place. The only place that I never wanted to go. Why? Dahil mahal ko ang lola ko at ayaw kong ma-stress siya dahil sa akin. So he decided to give me a severe punishment huh? So typical dad.

"You're grounded for a week, no card, and no car," dagdag niya.

"What?! What do you expect me to do? Fly?" tugon ko.

Lumabas ako ng opisina niyang nakakuyom ang mga palad, tamang-tama naman na nakasalubong ko ang kuya kong papunta sa direksiyon ng opisina ni dad. Isa rin 'tong nagpapasakit ng ulo ko.

"I heard you went on a liquor bar and made a scene last night. Nasaan ba ang utak mo Amaranthe? Hindi mo ba inisip kung anong epekto nun sa pamilya natin? Huwag mo sanang kalimutan na malalaking posisyon ang hinahawakan nila. Our Mom is the country's president and our dad is the Chairman of a first-class international company. Hindi ka na ba nakakaramdam ng hiya?" sabi pa niya.

Mas lalong uminit ang ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumuya. "Then, I will be glad to do more." Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan siya. Nakakainis lang kasi, puro sarili at reputasyon nila ang iniisip nila.

Tahimik lang akong nagmukmok sa kwarto ko, napatanong kung anong saysay ng pagiging anak mayaman kung wala naman akong kalayaang gawin ang gusto ko? One wrong move and those freaking medias would definitely publish some nonsense articles. And plus, dudurugin pa ako ng sarili kong pamilya.

"Grounded ka for a week?" bungad ng kakapasok na pangalawang kuya ko sa kwarto ko. Naabutan niya akong galit na galit ang ekspresyon ng mukha habang nakahiga sa malaki kong kama.

"Alam mo? Naiinis din ako sa'yo kung bakit mo pa kamukhang-kamukha 'yang Alkerson na 'yan," singhag ko sa kaniya at nagcross arm.


My brothers are twins, iyong unang kuya na nakasalubong ko kanina ay si Alkerson, at ang kasama ko naman ngayon ay si Anarson. They are identical twins but has totally opposite attitude. Mabait 'tong si Kuya An kaysa kay Kuya Al.

"Why did you do it?" Anarson.

Bumangon ako. "It was obviously NOT my fault, I didn't even started it, kainis lang kasi 'yong putang nagsimula talaga ng gulo, pa-victim."

Tumawa lang si Kuya An habang nakapamulsa sa harap ko. "High blood na naman si Dad sa'yo, nakakailang score ka na ngayong buwan?"

"Did the secretary took care of it?" Ang ibig kong sabihin ay ang mga media na nagpipyesta kagabi sa bar dahil sa kaguluhan. And we have a secretary who always took care of anything that can ruin our reputation.

"Yes as usual, so just stay in your room for a while," sabi niya at akmang papalabas ng room. "Oh, Ame.. As your oldest brother, babantaan na rin kita sa mga kinikilos mo, I understand na hindi mo gusto ang sistema ng pamilya natin pero consider also the hardships of our parents, baka hindi natin alam na may advantage pala ito sa iyo balang araw."

The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon