Chapter 17: Rowss' Parents

204 14 0
                                    



Amaranthe's POV



KINABUKASAN





Nakatulog pala ako sa tabi ni Rowss. Mabuti naman nakapagpahinga ako kahit konti. Kailangan ko munang kumain para may lakas ako, at dahil busy si Stephanie ngayong araw na ito, kami lang ang magkasama ngayon ni Rowss.





Naligo na ako't nagtoothbrush, papabantayan ko nalang muna ng nurse itong alaga ko dahil kailangan ko ring mabuhay sa mundo, HAHA.





Pero mga ilang minuto pagkatapos ng milyon-milyon kong plano ay biglang may dumating na pagkain sa akin. Mga masasarap na pagkain. Hindi ko matandaan kung may inorder ba akong ganito.






"Kuya? Sino umorder niyan?" tanong ko.





"Si Madam Sanchez po, para sa babae raw pong nagbabantay sa anak nila," tugon niya.





Huh? Ako ba tinutukoy niya?





Pero bahala na, gutom na rin ako kaya kakain na muna ako. Wala naman sigurong lason ito no? AHAHA.





Pagkatapos kong kumain ay nag meditate ako sa loob, nabobored kasi ako eh. Mas worse pa 'to sa isang taon na ikinulong ako sa subdivision. Tapos may bumukas ng pinto at pumasok na isang matandang babae at matandang lalaki. Ito na kaya ang mga magulang ni Rowss?





"Anak!" bungad ng ina.





"A-ah magandang umaga po," bati ko.





"Anong nangyari? Bakit nagkakaganito ang anak namin?" tanong naman ng ama.





Grabe para akong na fast talk ni boy abunda nito.




"Hindi ko po alam kung paano ko simulan--," tugon ko.





Hinawakan ng ina ang mga kamay ko. "Makikinig kami, sabihin mo lang ang totoo."






Tiningnan ko sila pareho na puno ng pag-aalala. "Hindi ko lang kasi alam na nakasunod pala sa akin si Rowss noong nakaraang gabi, pauwi na ako nun nang may malaking sasakyan na nawalan ng preno ang papunta sa direksiyon ko, sobrang bilis po ng pangyayari, tapos bigla kong naramdaman na may tumulak sa akin para hindi ako masagasaan, pagtingin ko ay si Rowss na pala ang sumalo sa aksidente na matatamo ko sana." Napaluha na naman ako nang maalala ko ang nangyari.






"Itong batang 'to talaga," react ng ama habang nakatingin sa nakahigang si Rowss.






"Pasensya na po, pinagsisisihan ko po talaga ang nangyari, sobrang guilty ko po, kasalanan ko po ang lahat," pagpapaumanhin ko at akma na sanang luluhod.





"Huwag mong gawin iyan iha," singit ng ina. Pinatayo niya ako. "Naiintindihan namin. Nangyari na ito, huwag mo sanang sisihin ang sarili mo, aksidente lang ang lahat."






"May malaking parte ka siguro sa puso ng anak namin kaya niya nagawa ito, hindi ganito ang anak namin sa pagkakakilala ko. --Anong pangalan mo iha?" tanong ng ama.






"Amaranthe po, kaklase po ako ni Rowss," tugon ko.






"Iha Amaranthe, maraming salamat sa pagdala ni Rowss sa hospital ah, kung hindi sana dahil sa'yo baka wala na ang anak namin," sabi ng ina.






The President's GirlWhere stories live. Discover now