Chapter 16: Worried About You

206 14 0
                                    


Amaranthe's POV

Matamlay akong pumasok sa paaralan at ang bigat din ng mga mata ko. Pero dapat magawa ko ang mission ko sa araw na ito, iyon ay maibigay ang excuse letter ni Rowss sa mga prof namin. Baka kasi ma drop siya bago magdepartmental next week.





Umattend ako sa klase namin pero walang leksyon ang naiintindihan ko, sobrang lutang ng isipan ko, at wala akong ibang inaalala kundi ang kalagayan lang ni Rowss.





Pumunta ako sa mga faculty ng prof namin.





"Anong nangyari kay Mr. Sanchez?" pag-aalalang tanong ng prof.





"Sana po mananatili lamang itong lihim sa atin sir, huwag niyo po sanang i-drop si Rowss nang dahil dito." Ako.





Pabalik-balik nalang ang mga katagang sinasabi ko sa lahat ng guro namin at guro niya. Sana maaasahan ko sila sa confidentiality since mga guro naman sila. Alam ko kasi sa pakiramdam na gagawin ang lahat para hindi lang masira ang reputasyon, hindi ko nga lang ginagawa iyon pero naiintindihan ko.





Bago nagtanghali ay agad akong bumalik sa hospital. Dinalhan ko na rin ng pagkain si Stephanie para makapaglunch siya bago siya pumasok sa klase.





"Grabe ng natamo niya no? Ang daming sugat sa katawan niya," wika ni Stephanie.





"Oo nga eh, pero mas nakakatakot talaga yung nakita ko sa personal ang aksidente, parang lalabas na talaga ang kaluluwa ko kagabi, nakakatrauma," ako.





"Masyado ka sigurong nag-aalala sa kaniya pinsan, ang laki rin ng naging parte ni Rowss sa buhay mo eh," tugon ni Stephanie. Hindi lang ako kumibo pero somewhat may point din naman siya.





Kinalaunan ay umalis na si Stephanie para pumasok sa klase. Ako naman ay naiwan at binabantayan talaga si Rowss. Inaayos ko ang higaan niya at oras-oras ko nalang siyang pinagmasdan, umaasa na baka gigising na siya.





Pumasok na ang nurse para i-check siya.





"Excuse me miss, may I talk to the doctor?" hiling ko.





"Sure ma'am, tatawagin ko lang po siya saglit," tugon ng nurse.





Hinawakan ko ang kamay ni Rowss. Ang lamig ng kamay niya. He's still unconscious. Nakakaguilty yung nangyari.





Pumasok ang doctor sa room. "Hello miss, magandang tanghali."





"Hi doc, ano po palang kalagayan niya? Kailan po siya magigising?"






"He's stable naman miss, and he will only be unconscious for a couple of days, in my estimation, magigising siya next week. Active naman ang mind niya, you can talk to him from time to time, he can listen," tugon ni doc.





"Mabuti naman, pero wala naman pong problema sa katawan niya hindi ba?" tugon ko.






"Fortunately, he's fine," doc.





It's a relief, mabuti at walang nasira sa loob at labas ng katawan niya, kung hindi tsutsugiin ko talaga sarili ko.





"For now mahina pa ang pulse niya, but he will get better in time," doc.





"Rowss magpagaling ka na please," sabi ko sa walang malay na si Rowss.





"Pero bilib din ako sa kaniya," dagdag ni doc.





The President's GirlWhere stories live. Discover now