Chapter 25: Date With Rowss

179 14 0
                                    


Amaranthe's POV



TODAY IS ANOTHER SUNDAY with Rowss. Kailangan ko na bang masanay na wala na akong relax day in a week?






As planned, dinala niya ako sa isang magandang beach, Lunar Beach Resort. At syempre hindi nagpapahuli ang ateng niyo. Matagal na rin akong hindi nakapagbeach kaya sinuot ko ang swimwear na ibinigay ni Stephanie sa akin. Rash guard na kulay black at magenta.





"Ngayon lang ulit ako nakapag-beach," wika ni Rowss.





Maraming mga tao ngayon sa resort, may malalaking floating stuffs din sa dagat para sa mga hindi marunong lumangoy. At ngayon, dahil matagal akong hindi nakapaglangoy ng beach or pool inanyayahan ko si Rowss.





"Tara, mag surfing tayo," ani ko.





"Marunong ka nun?" Tugon niya.





"Bakit? Ikaw ba hindi?" Ako.





Tiningnan niya lang ako na parang walang tiwala sa sinabi ko. "Bahala ka na nga diyan, ang kj mo." Napansin ko ring parang wala pa siyang planong maligo, naka white polo pa rin kasi siya at naka beach shorts.






Inaaliw ko ang sarili ko sa dagat, I was also once a swimmer sa North at hinahangaan ako ng karamihan. But the waves here are not that big kaya hindi ako gaanong nag-enjoy.





Napansin ko namang busy sa phone si Rowss sa cottage namin. Hindi pa rin niya hinubad ang polo niya. Hindi naman sana kami nagpunta rito para lang mag-enjoy ako, dapat sana mag-eenjoy kami.





Pagbalik ko, agad akong humiga sa beach bed ng cottage namin at dinamdam ang init ng araw. Nilapitan naman ako ni Rowss. "Hindi ka naman ganoon kagaling eh." Pang-aasar pa niya, halata kayang hindi siya nanood kanina.






"Ikaw na maligo roon, ako naman magbantay rito, go." Tapos tinalikuran ko siya. At natulog.





Dinig kong tumayo siya at nagsimulang maglakad. Bigla namang nanindig ang tenga ko nang marinig kong may kumausap sa kaniyang babae.





"Hi Rowss, I didn't expect to see you here." Wika ng babaeng mala-kikay na boses. Sinilip ko sila. At ngayon nakahubad na si Rowss ng pang-itaas at naka-bikini naman ang babae.





Hooookie!





"Come with us, ikaw lang ba mag-isa ngayon?" Tanong ng babae.





"Actually I'm with---," Rowss.





"Anastacia is also there, tara?" Babae.




Dahan-dahan akong umexit, at naghanap ng malapit na liquor area. Gusto ko kasing uminom sa mga oras na ito. Hindi ko na nilingon si Rowss. I still have my own life to satiate.






Nakaubos na ako ng isang bote, at binigyan pa ako ng karagdagang bote ng tagabantay. Humingi nalang ako ng dalawang baso para paghatian namin ni Rowss pagbalik ko sa cottage namin.






But I don't see Rowss anywhere. Maybe pumunta siya sa babaeng nagngangalang Anastacia-whoever-the-hell that is. Ah anyway, magchichillax pa rin ako rito, Sunday pa rin kaya no need to stress out.






"Lenz babe! Come here I want to show you something," wika ng babaeng nasa di kalayuan ng cottage namin.





Target locked ang mga mata ko ngayon, nasa babaeng naka-rainbow bikini at nakasuot ng beach hat. Nakita ko rin si Lenz na nakasandal sa isang coconut tree at ang talas ng paningin sa babae.





Tama ba ang hinala ko? Scoffs. Of course he would do this, siya lang naman si Lenz Madrijal ang play boy na uhaw sa mga babae.






Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumaas na naman ang mga sungay ko.






Tumayo na ako habang pinagmasdan silang naghahalikan. Ininom ko ang last na baso ng liquor bago ko silang inakmahang lapitan. Pero bigla akong pinigilan ni Rowss, hinawakan niya ang braso ko.





"What are you doing Rowss? Let go of me." I said angrily. Nanggigil na ako.






"Babe, you're just drunk." Sabi niya.





"I'm not YET drunk." Ako.






"I shouldn't have left you in here," tugon niya.





"This is for Stephanie, bitawan mo ako dahil hindi ko na kayang pigilan ang galit ko," desperada kong tugon habang nakakuyom ang kamay ko.






He pulled me to his body and hugged me tightly. Hinahaplos niya rin ang buhok ko. "Just keep calm okay? Nandito tayo para mag-enjoy, so just let it go for now."






Dahan-dahan akong kumalma. Niyakap ko na rin siya. I feel at peace in his arms. But I asked him one question. "Who is Anastacia?"






He stopped for a minute, thinking what to response. He smiled. "She's just no one, don't be bothered by her." I'm not bothered ah, tinatanong ko lang naman siya.






I shook my head out of dizziness. "Anong klaseng alcohol ba 'yong nainom ko ba't tinamaan agad ako?"






Tumawa naman si Rowss. "How about we go back there and drink again?"






"Mabuti pa!" Ako.






Kinalaunan, nag swimming kaming dalawa hanggang sa dumating na ang gabi.






May foam party raw kaya we stayed until 10 PM, hindi ko pa rin maiwasang magalit kay Lenz, halos oras-oras iba ang babaeng kahalikan. And the funny thing there is that he knows pretty well that I'm around pero nagpatuloy siya sa kagaguhang ginagawa niya. Walang respeto sa pinsan ko.






"Wanna swim for the last time?" Rowss asked.





"Huwag na, pagod na rin ako. Let's dry up and go home," tugon ko.






"Tara mag shower muna tayo."





Pagkatapos naming magpatuyo ay sumakay na kami ng sasakyan at pauwi na. I gave Rowss a smile for the day went well unexpectedly. Ginawa pa rin niya ang best niya para mag-enjoy kami.






"Lenz was not really the type of guy for Stephanie," bigla niyang open-up.





"I know."





"You know? But why did you let her get attached to him?" Rowss.






"Hindi ko naman kontrolado ang pakiramdam ni Stephanie, gusto ko siya mismo ang matuto sa mga desisyon niya," ako.






"I just hope it doesn't get any worse."






Nakarating na kami sa labas ng subdivision namin. Lalabas na sana ako ng sasakyan nang magsalita ulit si Rowss.






"Wala bang good night kiss sa jowa ko?"





Tiningnan ko siya. "Kailangan pa ba 'yon?"





"Sige, huwag na." Pagtatampo niya.





Hinawakan ko nalang ang mukha niya at inilapit ang pisngi niya sa akin para mahalikan ko. "Okay na?"



But he shifted his face towards me kaya naglapat ang mga labi namin. "Perfect. Good night."




END OF CHAPTER 25.
ITUTULOY...

The President's GirlWhere stories live. Discover now