Chapter 38: I Am Back

199 12 0
                                    


Amaranthe's POV





NEW YEAR HAS PASSED.




Oh ang dali lang ng panahon.




"May kakailanganin ka pa ba iha?" tanong ng only yaya ko na si Nanay Sandis, ang taong may mataas na pasensya para intindihin ang ugali ko simula bata pa ako, at ngayong nasa poder na ulit ako ng pamilya Del Fiorre, balik assist na naman siya sa akin.




"Nanay, hindi po ba may anak kayong kasing edad ko? Ibigay niyo po ito sa kaniya oh, marami na kasi akong damit ta's hindi ko nasusuot yung iba," sabi ko. Naninibago si Nanay sa ugali ko. I was mean to her before but now I finally treated her like a marshmallow.





"Iha, sa tingin ko, kailangan mo ng kumain. Naninindig talaga balahibo ko sa'yo eh," react niya.




"Nanay naman, 2021 na kaya balik ulit ako sa pagiging productive. 2020 was a hell year for me but this year will be different, dapat lang." Nagpatuloy ako sa pag-ayos ng higaan ko.





"Tyanga pala iha, pinabigay ito ni Anarson sa'yo," iniabot niya sa akin ang maliit na gray sling bag sa akin, naalala ko na ito yung bag na ginamit ko noong birthday ng kambal kong mga kapatid roon sa South. Tinanggap ko na't nilagay ko sa bakanteng shelf ng kwarto ko.





Lumabas ako, wearing simple semi-formal dress para sa almusal namin. Importante ang almusal sa pamilya namin dahil ito lang ang oras na kompleto kaming magsalu-salo sa hapagkainan.





"Magandang umaga anak," bati ni mom sa akin.





Kami pang dalawa ang nasa engrandeng dining room namin, binago nila ang estilo ng paligid, halos gold ang kulay ng mga kagamitan, pati ang rectangle table namin ay gold plated na at pati rin ang mga upuan.





Pumasok na si Alkerson na ngayo'y nakasuot ng puting suit at black slacks, sunod naman si Anarson na nakasuot ng gray turtle neck sweater at naka black pants, tapos pumasok na rin si dad na naka-black formal attire.





Magkatabi kami ni Anarson at magkatabi naman sina Alkerson at mommy, tapos nasa gitna naman si dad. Pinutol ni mom ang katahimikan naming lahat, ang awkward kasi sa pakiramdam na nandito na ulit ako.





"So anak, anong plano mo ngayong araw?" tanong ni mom sa akin.





"Wala naman, I guess bibili nalang ako ng aso para may kausap naman ako rito sa bahay," tugon ko. Simula kasi nung bumalik na ako rito sa North, hindi ako lumalabas ng bahay, nasanay ako sa buhay ko sa subdivision ni lola na palagi nalang nagmumukmok sa loob ng kwarto o kaya'y pagala-gala sa hardin kahit walang phone o any gadget.





"You should see your friends, malamang namimiss ka na nila," sagot ni mommy.




Ngumiti lang ako sa kaniya at dahan-dahang napatingin kay dad na walang kibo at nagpatuloy sa pagkain. Hindi nalang ako nag-aksayang makarinig ng sagot mula sa kaniya, alam kong hindi pa rin niya ako papayagan.





"Papahintulutan na kitang lumabas Ame, basta ipangako mo sa akin na hindi ka na gagawa ng eskandalo na ikakapahamak ng pamilya natin," biglang wika ni dad.





Tumaas saglit ang kilay ko nang marinig iyon, ibig sabihin na malaya na ulit ako?





Kinalaunan, binisita ako ni Anarson sa aking kwarto. Nang makita ko siya ay ibinaba ko ang headphone ko at isinara ang laptop na pinaglibangan ko. He smiled. "You're free na! Congrats. I just didn't imagine dad would consider your freedom so soon."





"Yeah, baka natauhan na iyon. I almost died back there," tugon ko.





"But still, be careful, okay?" dugtong niya.





Tumayo ako't napa-cross arm. "Kuya An, how was your, --you know.. plan?"





Umupo siya sa sofa at ipinatong ang paa sa mini table. "Took care of it. And I'm sure hindi ganoon kalayo ang agwat namin ni Alkerson, bakit mo nga pala naitanong?" Anarson. He's talking about their percentage of company's share.





"I am still hoping you'll win you know, sinabi mo sa akin dati na hihingin mo ang slice ng shares ko kapalit ng freedom ko pero ngayon na may freedom na ako, I decided to buy it in another condition," tugon ko.






"Ano naman 'yon?"





"It's simple, ayaw ko lang naman maarrange marriage sa kahit kanino, yun lang," tugon ko ulit.






Napangisi siya. "Ayaw ko rin namang ipamigay ka lang Ame, because you deserve to choose someone you really want to spend the rest of your life with, huwag kang gagaya kay Alkerson."





"I know Kuya An, I know," tugon ko.





KINALAUNAN, napagpasyahan kong sa labas na ako mananghalian. Busy silang lahat sa mga trabaho nila, sina dad at mga kapatid ko ay nasa DF Company samantalang si Mom naman ay bumalik na sa White House. At syempre dahil naghahanap ako ng pagkain, doon ako pumunta sa isang sikat na restaurant dito sa North, ang Colay's.






Si Nathshel Colay ang may-ari. Matagal na rin kaming hindi nagkita, best friend ko ang kapatid niya na si Yasumine but I chose to see Nathshel first to negotiate.





At the VVIP Room ng restaurant.





"Amaranthe, musta?" bungad niya. He still looks like a total dork for me. Ang legendary play boy ng Northern Sector at ang naglakas-loob na manligaw sa akin dati.





"Hindi ka pa rin nagbago Nath, mukha ka pa ring manyak," biro ko sa kaniya. Tumawa naman siya.





"Pero ikaw nagbago ka na, ano bang ginawa mo sa loob ng dalawang taon? Outdated ka na, Yasumine also missed you," tugon niya.





"Nagbakasyon lang ako sa South to destress, but anyway, step that aside, may negosasyon ako sa'yo, that's why I'm here." Ako.





Kami lang dalawa ang nasa VVIP Room at ang daming pagkain na inihanda niya para sa akin. His family owns a big and famous restaurant in Japan, at dahil na rin gusto ni Nathshel na magsimula ng kaniyang sariling negosyo ay nagtayo siya ng branch rito sa North at naging successful naman ito. His sister is the next heir of their company but it wasn't a hindrance for him to expand his money.





"Anong offer iyan?" Nath.





Napangisi lang ako. "I will invest in your company secretly Nath, for future purposes."





"Mukhang nakakakilabot iyan ah," Nath.





"I will give you 5% of my money, ilang porsyento kaya ang madadagdag pagdating ng Hunyo?" Ako.






"I think at most 1% of it, but why would you risk your money? I mean that kind of amount is already beyond my reach, at isa pa hindi ko naman talaga kailangan ng investor 'cause my business is going well naman," react niya.





"This is for Anarson, and my life depends on it, I trust you and Yasumine ever since, hindi ko magawang makipag-konekta sa iba kasi mas lalong delikado and worse, Alkerson might find out," tugon ko.





"I understand now, well fine, it's a deal," Nath. I smiled.





END OF CHAPTER 38.
ITUTULOY...

The President's GirlWhere stories live. Discover now