Chapter 32: The News

186 9 0
                                    



Amaranthe's POV






ONE WEEK LATER. It's Sunday at tanghali na naman akong nagising, nadatnan ko si lola na kakapasok lang ng bahay na naka-panlakad ang suot. Baka magkasama na naman sila ni tito David kanina kaya hindi ko nalang tinanong kung saan siya galing.







"Oh Ame may dala akong pananghalian," sabi niya. Inilagay niya ang isang bucket ng fried chicken sa mesa.







"Lola, 'di mo ba napansin na tumataba na ako sa poder niyo?" biro ko naman.







Habang nagsalu-salo kami sa hapagkainan, kahit ano nalang ang pinag-uusapan namin. Hanggang sa sinabihan niya ako ng bagay na ayaw kong munang marinig sa buhay ko.







"Ame, you have to go back to Nothern Sector sooner," sabi ni lola.







"Po?" Ako.







"You're supposed to stay with me for two years pero gusto ng mama mo na bumalik ka na ng North bago mag bagong taon," dagdag niya.







Wala akong maisagot, I mean gustong-gusto kong bumalik sa north pero bakit parang madaya sa akin ngayon? Pakiramdam ko ayaw ko munang bumalik. At ang unang sumagi sa isipan ko ay ang mukha ni Rowss.





"Why so suddenly?" Ako.





"You have to Ame, and you also have to do your responsibility as a Del Fiorre," Lola.






"Is this about arrange marriage? Lola?"







Tiningnan niya lang ako na parang sinasabi niyang sana hindi nga iyon ang dahilan kung bakit na ako papabalikin. Naging tahimik na sa pagitan naming dalawa, gusto kong umayaw at manatili pero ayaw ko na ring magpanggap na nakasuot ng maskara sa harap ng mga tao.







"You should always remember na pinapapunta ka dito ng dad mo... hindi dahil para parusahan ka apo," Lola.






"Then what is?" sabi ko habang naluluha ang mga mata, ilang segundo ay may pumatak na sa kanang mata ko. Kung hindi ito parusa, bakit ang bigat sa pakiramdam?






"May gusto ka bang sabihin sa akin Amaranthe?" Lola.







Hindi ko maibuka ang salitang gusto kong ipagtapat sa kaniya.







"Amaranthe?" Lola.






"Lola, I---I don't want to leave Rowss, Stephanie, --ikaw," sagot ko.







Lola sighed. Umiling siya. "Hindi kayo pwede ni Rowss sa isa't-isa, Ame."







Napakunot ang noo ko. Para akong tinamaan ng karayom sa puso ko. Na realized ko tuloy.
She's right. Hindi nga kami pwedeng magkatuluyan, dad won't let me for sure.







"Kilala ko si Rowss, Ame. Bago pa man kayo nagkakilala ay kilala ko na siya. He's the son of Twistolar and he will be engaged to the daughter of Crystal someday," dagdag niya.






Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Alam mo na ang tungkol doon? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"







"At alam kong pati na rin sa pamilya ni Rowss ay ayaw sa'yo kapag nalaman nila ang totoong katauhan mo," Lola.







"Lola, naguguluhan ako. What are you really trying to say?" Ako.







"Rowss is a good guy, but both families won't allow your relationship because of past issues. To be honest, boto ako kay Rowss para sa'yo dahil nagbago ka sa piling niya, pero wala tayong magagawa lalo na't Presidente si Rowss sa Twistolar at ikaw ay anak ng Del Fiorre," Lola.







"Ah grabe, ang sakit naman lola. Bakit ganoon ka-big deal ang status ng pamilya?" Ako.








Hindi siya sumagot, kaya dahan-dahan na akong umalis sa mesa namin.






"There's still a way where you can have Rowss, if and only if.." Lola.






"If?"






"If ikaw ang mamumuno ng DF Company, magiging CEO ka imbis na si Alkerson o si Anarson," Lola.







Natigilan ako dun. Lead the company? No, that's not even part of my life's checklist.







"Lola, ayaw ko. I've never thought of running our company in my own hands at wala rin akong balak," tugon ko.







I'll just let Anarson take the position instead. If Rowss and I were really meant to be, it will be. Ayaw kong pilitin ang bagay na hindi itinadhana para sa akin.







Umalis na ako sa dining room at pumunta kay Stephanie, tamang-tama naman na inanyayahan niya akong gumala sa Central Zone. Nasa mall na kami na kanina pa pa-ikot-ikot.






"Ame, saan ba talaga tayo patungo? Kanina pa kasi tayo pa-ikot-ikot dito eh," reklamo ni Stephanie.







"Ah, ikaw nalang bahala kung saan, susunod lang ako sa'yo," tugon ko.





Bothered pa rin talaga ako sa pinag-uusapan namin ni lola kanina. About my life, and about Rowss.






"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit parang ang lutang mo ngayon?" Stephanie.







"W--wala naman, busy lang akong pa-tingin-tingin sa paligid," Ako.







"Ha? Saan ka ba nakatingin eh puro brief ng lalaki ang nasa side mo?" Stephanie.







"Gaga. Tara na nga punta nalang tayo sa jewelry shop," ako. Hinila ko siya palayo, hindi ko namalayan na nasa labas pala kami ng Men's wear shop.







"Ay teyka Ame, tingnan mo oh, movie ni Rowss," sabi niya ta's siya naman ang humila sa akin papasok sa Movie Store. Huminto kami sa stand kung saan nakadisplay ang pelikula ni Rowss. Ang pamagat ay World Against Us.







"Bakit ang kokorni ng mga pamagat ng pelikula niya?" biro ko pa.







"Ayses, bilhin mo nalang kaya, alam kong gusto mo ring panoorin, ito ang latest movie ni Rowss na nirelease last month," Stephanie.







Ganun? Kaya pala noong unang araw ng klase ay halos dumikit na ang mga mata ng mga babae sa direksyon ni Rowss dati at ang taray nila sa akin. He's already famous at that time pero wala akong ka-ide-ideya kung sino siya. Ang liit ng mundo na kung bakit sa akin pa nangungulit ang isang sikat na artista and it turns out that we have an identity that was already connected-- before.







Pagkalabas namin sa store, ay tamang-tama ang pagkakabangga sa akin ng isang babaeng nakasosyal ang pananamit. Nahulog ang sunglass na nakalagay sa kaniyang ulo.







"Hey watch where you're going!" sigaw niya. Nang magkatagpo ang aming mga mata, pareho kaming nagulat. Siya si Merci Jois Manawa, ang mortal enemy ko sa North, pangalawang beses na kaming nagkasalubong ng landas dito sa South ah.







"OMG, Is that you Amaranthe Del Fiorre?" yabang na sumbat niya at pati na rin ang dalawang kasama niyang babae ay nagulat din nang makita ako.






END OF CHAPTER 32.
ITUTULOY...

The President's GirlWhere stories live. Discover now