Chapter 40: Friendship

182 10 0
                                    


Amaranthe's POV



They said that the only constant in this world is change. Everything changes in time, especially a person. You might know someone yesterday but that doesn't mean they are the same today.






PAGKALIPAS NG DALAWANG ARAW. Nabalitaan kong nakabalik na si Yasumine dito sa North galing Japan, Nathshel told me. So I decided to meet her and nabalitaan ko ring may activity siyang gagawin bilang temporary director sa isang bagong tayo na mall sa Syudad.





"OMG IS THAT YOU AME?" bungad ng napakahyper na si Yasumine. She looks like a designer today because of her attire. We're both wearing white dresses. Niyakap niya ako agad nang makalapit na siya.





"How are you Yas?" I said it in a light tone.





"Okay lang ako Ame, how about you? I heard from Nath na tumira ka raw sa South for almost two years, sana sinabi mo kasi nandoon ako sa South nung summer eh, edi sana nag-hang out tayo," tugon ni Yasumine.






"Ah talaga? Outdated kasi ako dahil hindi ako gumagamit ng phone doon," Ako.





Napatingin ako sa disenyo ng entablado sa harapan namin. Nasa gitna kami ng mall at todo handa ang mga organizers ni Yasumine. It looks so elegant and classy.





"Not bad," react ko.





"Do you still remember that this was our childhood plan? Ang magkaroon ng fashion line?" paalala ni Yas. Napangiti naman ako.





Oo nga, naalala ko dati na pinagplanuhan namin ito ni Yas. Pero hindi ko naman iyon sineryoso dahil akala ko hindi talaga mangyayari ang ganito. And besides, I never thought Yas would do something like this because of her being the next CEO of their company.






"We used to create designs of jewelries and dresses hindi ba? Mahilig ka sa dresses tapos ako naman mahilig sa jewelries, I made out an inspiration from it," Yas.





Nginitian ko siya. "I'm still glad you made it, it looks beautiful."





"Gusto mo ba makita ang designs na gawa ko?"





Dinala niya ako sa loob ng changing room kung saan nakadisplay ang mga damit na ginawa niya. It's quite elegant and in a contemporary style. Parang tinalbugan pa nga si Ms. Thealine Gueverre nito.





"Ang galing mo na Yasumine ah, dati ang baduy-baduy mo pang magdesign ng damit HAHAHA!" pang aasar ko sa kaniya.





"Gaga! Hindi ko na kasalanan kung ikaw ang mas expert doon 'no pero ang sabi naman nila na matututunan mo ring gawin ang isang bagay kapag gugustuhin mo, and here I am," tugon niya.





"Multitasking ka na nito?" Ako.





Umiling siya. "Not really, this is just a little hobby for me, kilala mo naman ako hindi ba, gusto ko talaga na palagi akong busy," tugon niya.





Lumabas na kami ng changing room, at naisipan naming kumain muna. Tiyempo naman namin nakasalubong ang isang lalaking pamilyar sa akin.





"Oh nandito na pala si Ro," ani ni Yasumine.





Rowss?





The President's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon