35 💙 Music Club

2.7K 180 33
                                    

Author's Note:

Happy Sunday everyone!

So ayun, I'll be answering your questions thru comment nalang din and thru personal message sa mga nag PM. Iisa-isahin ko nalang.

Stay safe guy!

🤍🤍🤍
Carlene

❤️🧡💛💚💙💜

Lunes nanaman at kailangan na namin pumasok ng school.

Nagmadali pa ako dahil mahuhuli na ako para sa aming FRC o flag raising ceremony.

Paniguradong ngayon ay balik na sa normal ang lahat sa school. Tapos na ang ball and we need to focus on our lessons na. Pero alam ko ay opening ng mga school clubs this week. Napag usapan kasi ito sa meeting namin noong nakaraan with the student government president.

Lakad takbo ang ginawa ko mula sa gate 1 ng school, paano ay natanaw ko ng nakapila ang lahat sa covered court.

Kasabay ng pag akyat ng mga school official sa stage ay ang pag singit ko sa aming pila.

Kinalabit ko pa si Dracy dahil magkasunod kami sa pila ngunit nasa harapan ko siya.

"Ba't ang tagal mo?" Tanong niya agad sa akin.

"Hindi ako nagising agad eh." Sabay ngisi naming dalawa.

"Bago yun ah." Hirit pa niya.

Napalingon ako sa aming likod. Nakita ko yung apat na nakapila din. Kumaway pa sakin si Xavier.

Napansin ko lang, ilang linggo na silang uma-attend ng flag ceremony. Eh usually dumadating yang mga yan ay nasa room na kami.

Napailing nalang ako sa naisip ko at humarap na sa stage dahil nagsimula na ang FRC.

Bago matapos ay nag announce lang ng activities for this week.

Ngayong hapon pala ay wala kaming klase para makapag register na ang mga istudyante sa gusto nilang salihan na club.

Tatlong taon na ako sa Baking Club, kaya kahit papaano ay sanay akong gumawa ng mga tinapay at cake. Pero kila Dracy lang ako nakakapag-bake dahil siya lang ang may oven sa bahay.

"Tara na, pasok na tayo." Sabi sa akin ni Dracy.

Tumango naman ako sa kanya.

"Uy, ayun siya oh!"

"Oo nga."

"Lapitan kaya natin?"

"Tanungin natin yung IG or number niya."

Dinig kong usapan ng mga kapwa ko istudyante sa di kalayuan habang naglalakad kami papunta sa aming classroom.

Lumingap ako pero pag lingon ko ay si Stephen agad ang bumungad sa akin.

"Good morning!" Bati niya sa akin.

"Ginulat mo naman ako!"

Ngumisi lang siya sa akin.

"Good morning din." Sagot ko sa kanya ng makabawi ako.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon