64 💚 Wedding Bells

849 47 3
                                    

"And you may now kiss the bride."

Everyone is cheering and giggling while looking at them.

Ako nama'y nakatingin lamang sa kanila at nagpupunas ng luha. Naiiyak ako dahil sa sobrang kaligayahan.

Ngayon ang kasal ni Nanay at Papa. Dito sa farm na pag mamay-ari din ng aming pamilya.

The original plan was an intimate wedding na tanging relatives and close friends lang ang i-imbitahin. But in the end, lumaki ng lumaki ang bilang ng guests dahil baka may magtampo pa kapag hindi naimbitahan. So they dropped the idea of having an intimate ceremony.

Pero siyempre, hindi mawawala ang mga kaibigan ko. Abay pa nga kaming lahat. Nang malaman nila ang tungkol sa kasal noong birthday ko ay agad silang nag prisinta kay nanay para maging abay.

Ayun, ang nanay ko naman ay tuwang tuwa pa.

The ceremony was held in front of the farm house. It has this grandiose but rustic vibe, kaya sabi ko ay magandang dito ito gawin.

Matapos ang ceremony at picture taking ay nagtungo na kami sa reception area kung saan gaganapin naman ang program at dinner. Sa loob lang din ng aming farm ito.

It was an open field pero kulong ito ng matataas na puno. Nang una ko itong makita ay sobra akong humanga dito.

Mas lalo itong gumanda ngayon ng mapuno ito ng palamuti at mga ilaw.

Sa isang tabi ay mayroong mga cocktail tables na naka set up upang hindi mainip ang mga bisita and so they can have picapica.

"Ate MJ!" I heard Andrei calling me kaya't hinanap ko naman siya.

Nang makita ko siya ay sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.

Nagpaalam naman si Stephen sa akin na mauuna ng umupo sa aming pwesto.

Lumapit agad ako kay Andrei at sa mga kasama niya.

"Ate MJ! I'd like you to meet my Mom."

"Hello po. Good evening." Magalang kong bati sa kanila.

"Hi hija. I'm your Tita Des, Andrei's mom. And he's my husband Mark and our son, Phil." Tipid naman na ngumiti sa akin yung bagets.

"Nice to meet all you po." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Grabe, sa pictures lang kita nakikita noon." She said.

"Po?" Taka kong tanong.

"I mean, sa mga sine-send ni Andrei na pictures niyo together. But you really look stunning in person, hija." Puri ni Tita Des sa akin.

"Salamat po." Nahihiya kong sagot sa kanya.

"Mom you know what, palaging sinasabi ni ate na ang cute ko daw to the point na gusto niya akong gawin na keychain." Sumbong nito sa kanyang ina.

Natawa naman ang mom niya. "Anak, she's right. You're too cute. Kung pwede lang na isilid kita sa bag ko, ginawa ko na."

Natawa nalang din ako kay Tita Des.

Ngayon nga ay kulay purple naman ang buhok niya. Kahit na ano namang gawin niya sa buhok niya, hindi pa rin nagbabago na cute pa rin siya.

Naging busy si Andrei sa pag kausap sa kapatid niya at sa step father niya, kaya kami nalang ni Tita Des ang nagchikahan.

"Actually, I was shocked when Andrei told me that his papa found Vicky. Akala ko'y tatanda si Ricky na hindi manlang niya makikitang muli ang first love niya."

"Alam niyo po ang istorya nila?"

"Well yeah. Kababata ko ang papa mo at nakilala ko rin ang nanay mo dahil madalas ako kila Ricky noon. I know everything that happened, but our parents arranged our wedding habang nasa Taiwan ang papa mo. Labag man sa kalooban namin pareho ay hindi naman namin magawang suwayin ang kagustuhan nila. But in the end, mas mainam na magkaibigan lang kami ni Ricky, kaysa maging mag asawa."

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now