18 💜 Idol

3.8K 244 47
                                    

Biyernes nanaman.

As usual ay mas maaga akong umalis ng bahay. Traffic kasi dahil Bocaue day o araw ng palengke. Nakaugalian na kasi ito sa amin. Dumadayo pa ang mga taga kalapit na bayan namin upang mamili.

Lahat ng klase kasi ay itinitinda dun. Napaka laking tiangge kumbaga.

Kapag wala akong pasok ay pumapasyal ako paminsan dun.

Diretso lamang akong naglakad papasok ng school. Marami na ring istudyante sa paligid. Nangingibabaw sa paligid ang pula at asul na mga PE uniform namin.

Pagpasok ko sa aming silid aralan ay may mga kaklase na akong nandun.

Tila wala naman silang nakita. Mabuti na rin ito. Mas gusto ko nga na walang pumapansin sa akin.

Napadako ang tingin ko sa armchair na apat na araw ng walang umuupo. Papasok kaya siya ngayong araw?

Agad ko nalang na iniwaksi sa isip ko iyon.

Kagaya ng nakasanayan ko, nagbabasa ako ng mga libro, inaaral muli ang aming mga takdang aralin habang kaunti pa lang kami sa silid.

Ilang sandali pa ay dumami na rin kami sa loob kaya't naging maingay na rin.

And the class started.

A usual day routine for me.

Ang kaibahan lang ay wala nanaman si Stephen. Hindi nanaman siya pumasok ngayong araw.

Sa loob isang linggo ay hindi ako ginulo ng bakulaw na yun.

Ngunit, hindi ko man aminin ay nag simula na akong mag alala sa kanya.

Hindi ko naman siya magawang kamustahin sa mga kaibigan niya dahil nagdesisyon na rin akong lumayo sa kanila.

Nasa kontrata rin namin na kapag hindi siya pumasok ay wala kaming tutorial session, kaya't hindi rin ako nagpupunta sa kanilang mansion.

Marahas nalang akong napahinga sa hangin.

"Are you okay? Ang lalim ng iniisip mo ah." Dracy asked ng tumunog ang bell for lunch break.

"Oo naman. Nakafocus lang ako sa itinuturo ni sir." Palusot ko sa kanya.

"Tara, samahan mo kaming bumili ng pagkain sa cafeteria." Paanyaya ni Bryan sa akin.

"Dito nalang ako. Hindi ako pwedeng... I mean wala naman akong bibilhin eh. Antayin ko nalang kayo bago ako magsimulang kumain." Sagot ko sa kanya.

Nagtinginan naman sila at umalis na rin.

Nakasanayan ko na kasi ang bilin niya, na huwag akong lalabas ng classroom kapag Biyernes.

Pwede ko namang gawin dahil wala naman siya eh. Kaso lang kasi...

"Too occupied with your thoughts? Care to share?" Sabi ni Blake sa akin.

"Ha? Hindi kaya." Tanggi ko sa kanya.

"Let's wait for them, nagbaon ako ulit ng pagkain eh." At ipinakita sa akin ang hawak niyang paperbag.

Masaya lang kaming kumain at pagkatapos ay saglit na nagkwentuhan.

PE class din namin kaya't bumaba kami sa field.

Filipino games ang tema namin for this week.

At ang lalaruin namin ay Harangang Daga. Our teacher discussed the rules and let us watched sample videos bago kami bumaba sa field.

Sa actual game naman ay masaya, nakakatuwa pero nakakapagod ang pagtakbo.

Kaso, nakaagaw nanaman ako ng atensyon.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon