21 💛 Looks Can Be Deceiving

4.6K 230 32
                                    

"Hala, naluluka na nga ata si Baks." Sabi ni Dracy.

"Malamang nga!" Sagot naman ni Bry sa kanya.

"Pero may punto naman din kasi siya. Wala naman palang kinalaman sila Stephen dun." Si Dracy na tila nag iisip nanaman.

"Oo nga. Nakipag away pa nga sila sa mga gumawa kay MJ nun eh." Pag sang ayon ni Bry.

"Sabi pa ni MJ, nag sorry pa si Stephen kahapon." Pag aanalisa ni Dracy.

"Oo nga. Hindi nila ugali ang humingi ng sorry, alam natin yun." Dagdag pa ni Bryan.

"Pero what if... Palabas lang nga ang lahat? Pano kung parte pala ng isang malaking plano si MJ, para pagtawanan siya sa huli." Muli nanamang sabi ni Dracy.

"Oo nga. Baka may mas malaki kasi silang plano kaya nila ginawa yun." Sagot ulit sa kanya ni Bryan.

"Pero hindi eh. Pakiramdam ko ay hindi sila bababa sa ganung lebel para lang manloko."

"Oo nga. May point ka din naman diyan. Hindi naman siguro sila makikipag basag ulo para lang paniwalain si MJ na wala silang kinalaman."

"Pero mas mainam na lang kasi talaga na umiwas na si MJ."

"Oo nga, para matahimik na siya."

"Pero, sayang naman kasi ang trabaho niya dun kay Stephen."

"Oo nga. At isa pa, wala naman din siyang pambayad sa multa for breech of contract kapag umalis din siya sa tutor niya kay Stephen."

"Wow! Parang wala ako dito ahh! Kung pag untugin ko kaya kayong dalawa diyan?" Sabi ko sa kanilang dalawa na prenteng nakaupo sa sala namin.

"Hehe. Peace." Nakangiting sabi ni Bryan at nag peace sign pa sakin.

"Ikaw Dracy, kung ano ano pa ang iniisip mo. Ikaw naman Bryan, panay 'oo nga' ang narinig ko sayo." Kunwari'y inis kong sabi sa kanila.

"Eh kasi naman baks, sabaw ka nanaman. Wala kaming juicy na sagot na makuha sayo." Sabi naman ni Dracy sa akin.

"Oo nga. Kaya nga kami nalang ang nag e-speculate ng reasons mo." Pag sang ayon nanaman ni Bryan kay Dracy.

Hindi ko nga alam pero biglang sumulpot ang dalawang ito dito sa bahay. Sabagay, Sabado ngayon at walang pasok. Nakikain na rin sila ng tanghalian dito. Akala ko naman ay magsisiuwi na rin sila pero ayan, mga nakatambay pa dito sa bahay.

Kanina pa nila ako inuusisa sa mga bagay na nangyari kahapon. Alam naman nila ang desisyon ko noong nakaraang linggo na lalayo na ako sa apat na yun, lalo kay Stephen.

Pero sinabi ko rin sa kanila ngayon na nakapag usap na kami ni Stephen at ayos na kami.

Pero hindi ko naman sinabi ang lahat ng detalye. Lalo na ang pagyakap niya sa akin. Nakupo, kukulitin lang nila ako kapag nalaman pa nila.

Pero kanina pa din ako nag iisip ng tamang dahilan sa kanila kung bakit nag bago ang isipan ko.

"Eh ayun na nga, seryoso na to baks, bakit nag bago na ang isip mo?" Si Dracy.

"May mga bagay kasi ako na nakita sa kanya, na alam kong hindi natural para sa kanya." Sagot ko dito.

"What?! Ano yun ha? Malaki ba yung nakita mo? Tell me baks!" Makahulugang sabi ni Dracy.

"Naman eh! Hindi yun." Gulat kong sagot sa kanya.

"Then what?" Sabay nilang tanong.

"The more na makikilala niyo kasi siya, hindi siya yung Stephen na iniisip niyo. Madalas lang talaga siyang bugnutin. Pero may mga pagkakataon na nararamdaman ko yung sincerity niya. He have something, and I saw it. But he never let everyone see it." Hindi ko alam kung paano ko ba dapat ipaliwanag iyon sa kanila.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now