31 ❤️ First And Last

3.5K 217 83
                                    

Author's Note:

Hello everyone! So ayun, here's another update.

But first, please take time to read my note.

I got exposed with a covid positive at work. But thanks God, me and my colleagues tested NEGATIVE naman. So yeah, let me tell you guys my experiences and realizations while I am on quarantine and while I am waiting for my test results.

Discrimination is real. Lalo sa mga chismosang kapitbahay. I understand na lahat tayo ay kailangan nating mag ingat, but we can still do it naman ng hindi tayo nakakaoffend ng iba. Let's think na may pinagdadaanan na sila, huwag na nating dagdagan pa.

You'll feel who's really concern, at kung sino lang ang sumasagap ng chismis. Sa ganitong estado pala mapapatunayan kung sino ang mga totoong nagmamahal sayo. (My boss is an elected official, he announced that he is positive via his social media account, kaya marami ang nakaalam na naexpose ako.) Salamat sa mga kaibigan kong nakaalalang kamustahin ang lagay ko. Pero sa mga chismosa naming kapitbahay na hindi na nga ako nagawang kamustahin, eh ichinismis pa kami, ang masasabi ko lang ay magbago na kayo. And hinihiling ko na sana ay hindi ninyo ma experience yung discrimination at emotional stress na naramdaman ko.

Swab test isn't that painful. Pero nakaka-kaba ang mag antay ng resulta. Parang kiniliti lang ako sa ilong girl, yun nga lang, di ko na maipagmamalaking virgin pa ang ilong ko.

Awareness about Covid is really important. So ayun nga, may isa nanaman na chismosang kapitbahay na nagsabi na kahit negative ang result, wala pa rin daw yun dahil na expose kami sa positive. Madam, RT PCR is considered the gold standard for COVID-19 testing as it provides a more definitive answer as to whether an individual has the virus in their body. Stop spreading fake news. Di nakakaganda yan.

I realized the importance of hugs and kisses from my loved ones. And I realized how much my mother loves me. It's unconditional.

Now I know the importance of wearing mask. As I recall the time and day I got exposed, I was wearing face mask the whole time. And dagdagan na rin ng vitamins para lumakas ang immune system, ay girl, talagang covid na ang iiwas sayo.

So ayun lang, na share ko lang naman.

Osiya, ayan na muna yung update. Babush!

PS. If you knew someone who's PUI/PUM or positive patients, please cheer them up, kahit through chat manlang. It really helps a lot.

🤍🤍🤍
Carlene

❤️🧡💛💚💙💜

Bumalik ako sa aming upuan suot ang binigay nilang sash. Bitbit ko pa ang mga certificate na binigay sa akin, at may salamin na trophy pa na inabot sa akin.

But suddenly, Stephen stood up.

"Samahan mo ako." Halata ang inis niyang utos sa akin.

Anong problema niya?

Naguguluhan man ako ay napatango nalang ako.

He held my arm at mabilis na naglakad palabas ng function hall.

Nagulat ako ng lumiko kami pag labas ng pinto at dumiretso sa elevator ng building.

Crazy Rich TransgenderNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ