52 💚 Birthday Cake

1.2K 87 12
                                    

"Ayos lang ba kung ikaw na lang ang magdala?" Pakiusap ko kay Dracy.

"May magagawa ba ako Baks? Mabuti at dadaanan ako ni Samuel. Kung hindi, hindi ko talaga dadalhin yan. Baka mamaya masira ko pa yun eh."

"Kilala mo naman to. Biglaan din ang mga trip sa buhay. Osiya, palabas na si Stephen. Pasensya na talaga. Thank you so much Baks, see you later!"

And I hang up the call.

Nakisuyo na kasi ako kay Dracy na siya nalang ang magdala ng regalo ko. Hindi ko naman kasi ineexpect ang lakad namin na 'to ni Stephen.

But I was happy that this happened. Naging mas malalim ang pagkakakilala ko sa kanya dahil dito.

Sa kanilang mansion na kami dumiretso. Sabi ni Ate Teresa ay nandito na daw si Zoe. Ang aga naman niyang nagpunta.

Nadatnan namin siyang nasa garden at nakikihalo sa mga nag aayos dun. Hindi ko alam kung nakakagulo ba siya, tumutulong, o punong abala. Nagulat ako ng nandun na din pala si Blake.

"Kanina ka pa dyan?" Gulat kong tanong.

"Oo, sumabay na ako kay Zoe, nasa pagawaan yung sasakyan ko eh." Paliwanag naman niya.

Sunod sunod na din na nagdatingan si Samuel kasama si Dracy. At sumabay naman si Bry kay Xavier.

Pero dahil medyo napaaga ang punta namin ay inaya na lamang muna kami ni Stephen sa kanilang entertainment room.

Ang balita ko kay Samuel ngayon, chef pa daw ang magluluto para sa hapunan dahil magdaratingan mamaya ang malalapit na kamag anak at kaibigan ng pamilya nila.

Naglibang at kwentuhan lang kami. Si Dracy ay may baon pang mga pulbos at pinahiram naman niya ako.

"Binigay na ni Samuel kay Ate Teresa yung cake. Idi-display na daw nila."

"Thank you baks. Pasensya na kayo sa abala."

"San ba kasi kayo galing?"

"Basta baks. Mahabang kwento."

"Sus, ang aga aga nag date pa kayo. Tapos baka... Oh my gosh!" Pang aasar niya sakin.

Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka marinig pa ng iba naming kaibigan. "Uy hindi ah!"

Tatawa tawa naman si Dracy. Ang babaeng ito talaga kahit kailan.

Ilang sandali pa ay umakyat na si Ate Teresa at Rowena kung nasaan kami.

Nagdadatingan na daw ang iba pang bisita kaya't pwede na rin kaming bumaba.

Inabutan namin sa kanilang sala ang kanyang mga magulang. May mga kasama din sila at nagkukwentuhan sila dun. Kaunti lang naman sila. Mga kamag anak at mga piling kaibigan lang.

"Oh, here he is." Sabi ni Tita Selena sa mga kausap niya. "Joseph, come here."

Napalingon naman kay Stephen ang mga bisita. Sinenyasan siya ni Tita Selena na lumapit sa kanila.

Wow, mabait na bata. Masunurin. Nagmano pa sa tito at tita niya. Natatawa ako sa aking isipan.

Pero pinagmasdan ko sila.

Crazy Rich TransgenderМесто, где живут истории. Откройте их для себя