13 ❤️ How Rumors Fly

4.6K 261 35
                                    

Sa una ay labag sa loob niya na dalhin ko siya sa clinic, pero sa huli ay wala siyang nagawa.

Nagpaubaya siya habang naglalakad kami sa hallway papuntang school clinic.

Wala ng kahit isang istudyante sa paligid. Tapos na kasi ang lunch break at nagsimula na ang afternoon class.

Konsensya ang nangingibabaw sakin ngayon, na may kasama na ring pag aalala kahit papaano.

Ako kasi dapat yun eh. Ako dapat ang tatamaan ng bola.

Sabi nga ni kuya niyo Justin Bieber, that should be me.

Bakit pa kasi niya ginawa yun eh. Bakit pa niya hinarang at sinalo ang bola na sa akin dapat tatama.

Kaya nga gusto ko agad na matingnan siya sa aming clinic. Baka kung napano na siya, tapos ako ang masisisi kung bakit siya nagka ganyan, tapos pati ang magulang niya ay hahanapin ako at ako ang ididiin kung bakit siya nagka ganun.

Pagpasok namin ay sinalubong naman kami agad ng isa sa mga school nurse.

"Good afternoon what can we do for you?" Tanong agad niya sa amin.

"Masakit po yung batok niya, tinamaan po kasi siya ng bola ng basketball sa batok." Sabi ko sa nurse.

Pero bumaba ang tingin niya at bahagyang napangiti.

Sinundan ko ang tiningnan ng school nurse namin at...

Laking gulat ko ng magkahawak pa rin pala ang kamay namin ni Stephen.

Bigla ko iyong binitawan at nagkunwaring wala lamang ang lahat.

Sobra ang hiya ko, hindi na ako makatingin muli sa nurse namin. Nawala rin kasi sa loob ko na hinila ko siya sa clinic, dahil sa pag aalala ko sa kanya.

Giniya na siya ng nurse papasok sa isang silid. Naiwan naman ako sa labas ng clinic at naupo nalang sa waiting area.

Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Alam kong malalagot ako dahil sa nangyari.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nag aantay ako. Kinakabahan ako ngayon sa napaka raming dahilan. Una na dun ay nasaktan si Stephen dahil sakin. Pangalawa ay hindi ko naman talaga gusto at sinasadyang hawakan siya sa kamay. Nadala lang ako ng pagkataranta. Tapos hindi ko rin alam baka galit rin siya sa pagkakatitig ko sa kanya kanina.

Haist!!! Parang gusto ko nalang mahimatay at pag gising ko ay nasa bahay na ako.

Napa palm face nalang ako.

Bigla namang may pumasok sa clinic.

Nagulat pa ako na si Samuel at Dracy iyon.

"What happened. Are you okay? Where's SJ?" Tanong agad sa akin ni Samuel.

"Okay lang ako. Nasa loob si Stephen, tinitingnan ng nurse."

"Ano bang nangyari baks? Inaantay ka namin pero hindi ka na bumalik." Tanong sa akin ni Dracy. Si Samuel ay biglang naging busy sa kanyang cellphone.

"Kinuha namin yung pagkain ni Stephen sa gate 2. Tapos muntik na akong tamaan ng bola dahil may training sa court yung basketball team. Kaso hinarang ni Stephen yung bola kaya't tumama sa batok niya." Napatingin sa akin si Samuel at napangiti, pero agad din namang sumeryoso ang mukha niya.

"Nakakain pa nga kami ng lunch eh. But after that, sumasakit daw ang batok niya. Kaya't pinilit ko siyang dalhin dito. Just to be sure lang na okay lang siya." Tuloy ko pa sa aking sinasabi.

"Gotchaaa!" Biglang sabi ni Samuel.

"Ha?" Sabay naming tanong ni Dracy.

"Ah hindi wala wala!" Sabi niya sabay tago ng cellphone niya.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now