Prologue

14.2K 357 44
                                    

CRAZY RICH TRANSGENDER
Copyrights © KarleenPerry, 2019

All rights reserved.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

❤️🧡💛💚💙💜

"Nay, papasok na po ako." Paalam ko sa aking ina ng matapos kong ihilera sa lamesa ang mga kawali at kaldero na may lamang mga ulam.

"Osiya sige. Mag iingat ka sa pag pasok Jade." Lumapit ako sa kanya at nagmano. Hinalikan niya ang aking noo at naglakad na ako paaalis, at sumakay na sa tricycle na dumaan.

Mula pagkabata, mulat ako sa katotohang mahirap lamang kami. Sapat lamang ang kinikita ng aking ina sa pag titinda ng tanghalian at merienda sa aming lugar.

Nag iisa lamang niya akong anak, at lumaki akong walang kinikilalang ama. Habang lumalaki ako, napapansin kong kakaiba ang itsura ko sa karaniwang Pilipino. Nakuha ko raw ang natural na maputing kutis, maliit na mukha at singkit na mata sa aking ama.

Ayon sa kaniyang kwento, anak niya ako - sa anak ng kanyang dating amo. Nangatulong siya, maraming taon na ang nakakaraan sa isang marangyang pamilya ng mga Taiwanese. Nagkagustuhan sila, at lihim na may namagitan sa kanilang dalawa. Ilang taon rin ang kanilang lihim na relasyon, at ng nakahanap na ng pagkakataon ay sinabi na ng aking ama sa kanyang mga magulang ang namamagitan sa kanila ng aking ina.

Ngunit, pilit silang pinaglayo ng magulang ng aking ama. Hindi kagaya ng nakaugaliang kwento ng pag ibig, na sa huli ay nagkakatuluyan ang nagmamahalang mayaman at mahirap.

Para kasi sa kanila, ang mayaman ay para rin sa kapwa nila may masasabi sa buhay. At ang mga mahihirap ay para din sa mga hikahos sa buhay.

Ngunit, ng mga panahong iyon ay dinadala na pala ako sa sinapupunan ng aking ina.

Inilayo nila ang aking ama at dinala sa ibang bansa. Simula ng araw na pinaghiwalay sila, ay hindi na niya muling nasilayan ang aking ama. Tanging ang isang litrato nalang na ibinigay niya sa akin, ang nagpapaalala sa aking ina ng kaniyang itsura.

Walang inilihim sa akin ang aking ina tungkol sa kanyang nakaraan, at dahil dun ay nagpapasalamat ako.

Kung ilarawan ng aking ina ang pamilya ng aking ama, sadyang marangya at sagana sila sa buhay. Maraming negosyong hawak ito, sa loob at labas ng bansa.

Kung kaya minsan, napapaisip ako...

Ano kaya kung kasama ko sila sa aking paglaki? Kung hindi pinaghiwalay ang magulang ko? Siguradong marangya rin ang pamumuhay ko at mabibili ang lahat ng aking nais.

Pero, sa tuwing naiisip ko yun ay bumabalik ulit ako sa pag iisip ko na mas gusto ko ang simpleng buhay namin ng aking ina, kuntento na ako dito dahil masaya kami, kahit kaming dalawa lamang. Sapat na sa akin na may nakakain kami sa araw araw. At kahit kailan ay hindi ko naramdamang may kulang sa buhay ko dahil pinunan na ito ng aking ina.

Habang lumalaki nga lang ako ay alam ko na mayroon iba sa akin, malinaw rin sa aking puso at isip na hindi ako lalaki. Isa akong babae na nakulong lamang sa katawan ng isang lalaki.

Isa pa ulit sa pinagpapasalamat ko ay tinanggap ako ng aking ina ng buong buo at walang katanungan.

Hindi ko namalayang nakahinto na pala ang sinasakyan kong tricycle. Nandito na ako sa aking destinasyon. Agad akong bumaba at iniabot ang sampung pisong bayad sa driver.

Bumungad sa akin ang higanteng gate ng aming paaralan at nag tataasang haligi nito. Nakapila na rin ang mga sasakyang papasok dito, palibhasa ay mayayaman ang mga nag aaral dito, kaya't lahat sila ay naka sasakyan.

Nakakapag aral ako sa isang pribado at sikat na paaralan dahil nakuha akong iskolar, dahil valedictorian ako noong elementarya. Kaya't wala akong binabayarang matrikula ng tumuntong ako ng sekondarya. Kailangan ko nga lamang na panatilihin ang aking mga grado.

Huling taon ko na rin ito sa sekondarya, kaya't dapat akong magpursigi upang muli akong makakuha ng scholarship, dahil gusto kong mag kolehiyo. Alam ko rin kasi na sa estado ng buhay namin ni Nanay ngayon ay mahihirapan siyang pag aralin ako sa kolehiyo sa taas ng matrikula sa mga unibersidad.

Kung ako lang ang masusunod ngayong nasa sekondarya ako, ay mas gugustuhin kong sa pampubliko na lamang ako mag aral. Dahil kahit naman sabihing iskolar ako, ay mahal parin ang gastusin dito dahil sa mga projects namin, lalo ngayon na huling taon ko na. Ngunit nanghihinayang ang aking ina, dahil magaling at kilalang iskwelahan ang aking pinapasukan, at malaking tulong rin ito sa aking pag hahanap ng trabaho kapag dito ako nakapag tapos.

Ngunit, ayaw ng humakbang ng paa ko papasok ng paaralan. Napapikit ako at kumapit ako ng mahigpit sa aking lumang backpack.

Andito nanaman ako.

Isang taon na lang Jade, makakaalis ka na rin sa lugar na ito.

Iyan na lamang ang nagpapalakas ng loob ko. Tatlong taon ko ng napag tiisan ito, kakayanin ko pa ng isa pang taon.

Muli akong dumilat at taas noong nagsimulang maglakad.

Dahil nga sa iskwelahan ito ng mayayaman at sikat, hindi ako welcome dito. Isinasaisip ko na lamang na, nandirito ako upang matuto, at huwag ko na lamang pansinin ang mga taong nakapaligid na ayaw sa akin.

"We went to Paris, here take a look." Maarteng sabi ng isang babae sa kanyang mga kaibigan rin na babae.

"Wow, that's so nice. We didn't travel this year because my parents are busy, but they bought me the newest collection of Louis Vuitton bags." Sabay pakita ng babae sa hawak niyang bag. Ang ganda naman ng ganoong bag. Ngunit sa tingin ko rin ay kahit makaubos kami ng aming paninda, ay hindi namin iyon mabibili.

"Me too, but they gave me a brand new car." Sabay pakita pa nito ng susi ng kanyang sasakyan.

Napahinto sila sa pag uusap ng makita nilang nakatingin ako sa kanila.

Tipid na lamang akong napangiti at nag iwas ng tingin at nagmadaling naglakad.

"Woaah, dito pa rin pala nag enroll yung poor faggot."

"Sana nga lumipat nalang siya eh."

Hindi ko na narinig pa ang sumunod nilang sinabi ngunit narinig ko pa ang kanilang tawanan.

"Uy, andyan na!"

"Oo nga. Ganda sana eh."

"Kaya nga. Kaso parang hindi manlang nagpatahi ng bagong uniform." Sabay tawanan nanaman ng grupo ng mga lalaki na nadaanan ko.

Ganyan araw araw ang buhay ko sa paaralang ito. Puro pangungutya ang inaabot ko. Pero, natuto na ako. Pasok sa kaliwa, labas sa kanan. O di kaya'y wag ng ipasok.

Kaya nga umpisa pa lamang ng araw, ay palagi kong hinihiling na sana ay mag uwian na.

Ngunit, sa huling taon ko rin sa paaralang ito, ay magbabago ako at ang mga pananaw ko sa buhay.

Author's Note:

Hello everyone! Sa mga first time readers ng Crazy Rich Transgender, please read "Your Love" first. That is my first story, and completed na yun. Some of the cameo characters kasi ay from that story, so to know more about them, you can read it first.

I am totally nervous again, just like what I felt when I first uploaded the prologue of Your Love, less than two years ago. But I need to try again and give it a shot with my second story.

Kaway kaway sa mga nandito, after reading YL! Please drop some comments and let me know that you are here.

Thank you for all the support. All I want was to inspire, and remind everyone that we all deserve to love and be loved, no matter who we are.

🤍🤍🤍
Carlene

Crazy Rich TransgenderTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang