22 💚 I'll Stay Through The Bad Time

3.5K 220 29
                                    

Author's Note:

I apologize for the late update. Sa mga hindi po nakakaalam, nawala po lahat ng draft chapters na naka-save sa Wattpad ko (14 drafts in total) that's why hindi ko alam yung dapat kong gawin. I tried re-writing it pero parang sobrang down ng feeling ko. I felt devastated and that all my efforts for the past months were gone instantly. I don't usually backup my writings, tiwala ako sa system kasi ng app ng Wattpad. But I learned my lesson, that I should at least save it to my notes and back it up to my iCloud.

I emailed Wattpad weeks ago, and today, without any idea, I checked my account again after 2 weeks. Nagulat nalang ako na naibalik na yung nawalang drafts.

I don't know what really happened. If ayos na ulit yung bug ng app nila or they did something to recover my drafts. But whatever it is, salamat sa nangyari today.

I'm sorry, I can't promise to update regularly. I am currently working and serving people at our municipality, please understand. But please know na hindi ko kayo nakakalimutan na mga sumusubaybay sa story ko.

From the bottom of my heart, thank you so much!

🤍🤍🤍
Carlene

❤️🧡💛💚💙💜

"Ang gwapo talaga ni Zoe."

"Si Stephen ang sakin."

"Samuel is the best."

"Xavier is the cutest."

Ganyan sila humanga. Talagang kulang nalang ay ipagsigawan nila iyon.

As usual, sa akin ay masama lamang ang tingin nila. Pero hindi ko na papansinin. Basta't hanggang tingin lang sila ay okay na ako.

Pumila na kami sa hanay ng mga seniors.

Usual na routine ng isang paaralan sa flag raising ceremony.

May reminders din from school officials about the upcoming ball. Nakinig lang ako kahit na hindi naman ako interesado dahil hindi naman ako aattend.

Our day continues at mabilis na lumipas ang oras.

Ganun pala talaga kapag sobrang daming ginagawa.

Medyo nashock ako sa mga gawain namin ngayon. From seatworks, exercises to assignments.

Afternoon recess namin, naubos na ang baon kong inumin. Tinatamad na sana akong bumaba pero nauuhaw talaga ako.

Nag paalam ako sa mga kaibigan ko na bababa muna sa cafeteria.

Diretso akong lumabas ng room.

"Pst!" Nagulat ako ng biglang may sumitsit sa akin ng nasa hagdan na ako.

Nilingon ko naman agad iyon at tumingala.

"San ka pupunta?" Seryosong tanong sa akin ni Stephen.

"Bibili lang ng tubig." Kaswal kong sagot sa kanya.

Tumango naman ito at dumiretso ako sa pag baba.

Marami ang tao sa cafeteria dahil 30 minutes break time ito.

Pumunta lang ako sa parte kung saan puro inumin ang mabibili.

Kumuha ako ng isang bote ng tubig at pumila na sa cashier.

Sa buong campus ay nag iisa lamang ang cafeteria na ito kaya't sobrang laki. Marami at magaganda ang lamesa at upuan na para kang nasa restaurant. Fully air-conditioned din ang buong cafe kaya't kumportable kang nakakatambay. May mga tv rin na mga nasa pader ng buong paligid, lumalabas dun ang mga announcements ng schools at other advertisements.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now