41 💙 No Holds Barred

2.3K 163 24
                                    

"Anak, may naghahanap sayo." Katok ni nanay sa aming silid.

"Sige po nay!" Tugon ko kay nanay.

Sabado ngayon, tapos na rin kami ni nanay na magtanghalian at gumagawa lang ako ng aking takdang aralin.

Nagpunta si Dracy dito kahapon upang dalhin ang mga takdang aralin namin. Nasabi ko na rin sa kanya lahat. At iisa lang din naman sila ng sinabi ng aking ina.

I should have listened first to Stephen.

Ayun nga, hindi kasi ako nakapasok ng Biyernes. Tumawag nalang ako kay Ma'am Elaine Ramirez, ang adviser namin para sabihing hindi ako makakapasok.

Pinayagan naman niya ako.

Ang bait talaga ni Ma'am Elaine, sabi pa niya ay magpahinga nalang daw muna ako. Pero sa Lunes daw ay kailangan, okay na ang pakiramdam ko.

Nagtataka nga lang din ako eh, bakit tila may alam siya sa nangyayari sakin?

Humarap muna ako sa salamin at nag pulbos. Sinuklay ko din ang aking buhok para mawala ang mga gusot.

Sino kaya ang nandito?

Pero sa likod ng aking isip, hinihiling ko na sana ay si Stephen iyon.

Napabuntong hininga ako.

Pag labas ko ng silid ay nagulat agad ako sa aking nakita.

"Celine?" Gulat kong sabi.

"Hi, MJ." She said at napatayo sa pagkakaupo sa aming munting sala.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at agad na lumapit. "Upo ka." Sabi ko sa kanya.

"Ay teka, bibili muna ako ng maiinom." Paalam ko.

"Sasama nalang ako sayo." She smiled at me.

Kinuha ko lang ang aking tsinelas at lumabas na kasama si Celine.

"Nay, si Celine po pala, classmate ko." Pakilala ko naman kay Nanay.

"Oo anak, nagkakilala na kami kanina pag dating niya." Nakangiting sabi ni nanay sa akin.

"Bibili lang po kami ng maiinom." Paalam ko pa.

"Tumingin kayo sa kalsada ah!" Paalala pa niya sa amin.

Ano bang akala ni nanay, magpapasagasa ako dahil broken hearted ako kay Stephen?

Oh papasagasaan ko si Celine dahil siya ang mahal ni Stephen?

Natawa nalang din ako sa aking naisip.

Dito kami sa tindahan ni Aling Dory bumili. Sakto at nagtinda siya ng mga merienda ngayon.

Bumili ako ng buko pandan juice at tinda niyang turon. Si Celine naman ay nakigaya lang din ng inumin sakin pero kamote que ang pinili niyang bilhin.

Pagkabili namin ay inaya ko na siyang bumalik sa aming bahay, pero okay lang daw sa kanya na sa tindahan nalang muna kami ni aling Dory tumambay. May mga upuan naman kasi dito kaya't ayos lang na tumambay at panoorin ang mga tao sa paligid.

"Ano pala ang sadya mo? Nagulat naman ako na bigla kang dumating." Sabi ko sa kanya habang kami ay nakaupo sa gilid ng tindahan ni aling dory.

Ang ganda talaga ni Celine. Kaya't kahit sinong lalaki ay magugustuhan talaga siya.

"Sorry, I should have told you ahead of time na pupunta ako. Hmm well. Actually, gusto lang kitang makausap. Girl talk, ganun lang. Wala kasi tayong chance na magkausap even before." Paliwanag niya.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now