24 💜 No Buts, Micah Jade

3.3K 210 37
                                    

Nasa daan na kami at marami akong iniisip.

Ano nga kaya ang gagawin ko sa kanila?

Bubwisitin lang ako nun eh.

Oh baka naman wala siyang balak na umattend ngayon.

Pero imposible, yun pa, mawawala sa ganung party?

Sila ang pinaka inaabangan dun eh.

Ahh, pwede rin naman na silang apat ay magkakasama ngayon habang nag hahanda.

Oo nga, kailangan ko nga silang tulungan ngayon.

Okay lang, wala naman din akong ginagawa sa bahay.

Saglit akong napapikit.

Pero agad din akong napadilat ng makita kung nasaan kami.

Bakit kami nandito?

Lumiko kasi kami sa papasok ng tollgate?

Tsaka bakit ngayon ko lang ba ito napansin, eh ibang way pala ang dinaanan namin, hindi ito papunta sa mansion.

"Mang Gerry, saan po tayo pupunta? Hindi naman po ito yung daan papuntang mansion."

Saglit lang niya akong nilingon at ngumiti.

"Sumusunod lang po ako sa utos." Sabi niya na nakatingin sa kalsada.

Hala ka, nalintikan na.

Saan ako dadalhin ni mang Gerry?

Utos ba to ni Stephen? Na ano? Na iligaw ako? Hala, baka bigla akong ibaba ni Mang Gerry dito sa Nlex. Tapos iiwan niya ako dito.

Pano ako uuwi?

Sabagay hindi naman siguro, nag oa lang ang isip ko.

Naagaw ng atensyon ko ang mga billboard sa dinadaanan. Sinusundan ko pa iyon ng tingin. Nakakatuwa, madalang lang kasi akong magawi dito, kaya't bago sa akin ang mga billboards na ganito.

Pero, ang mga tanawin na ito ay sensyales na papunta kaming Metro Manila, diba?

Hala, saan ba talaga kami papunta?

Nakaramdam ako ng antok.

Gusto kong pigilan, pero hindi ko na kaya. Lalo pa paglabas namin ng Nlex ay traffic na.

Napapikit ako.

Iidlip na ako dahil hindi ko na talaga kaya. Pero gising pa rin ang utak ko.

Andami ko kasing iniisip eh.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas, pero sa pakiramdam ko ay matagal na ang lumipas mula ng pumikit ako.

Tumigil ang kotse na sinasakyan ko.

Otimatikong napadilat ang mata ko.

"Andito na tayo, hija." Napatingin agad ang tingin ko sa labas.

Nanlaki ang mata ko.

"Ang ganda." Bulong ko sa sobrang mangha.

Nasa labas ako ng isang mamahaling lugar. Sa tingin ko ay hotel ito eh.

Puro salamin ang paligid at kulay ginto pa ang mga haligi nito.

May agad na lumapit sa aming sasakyan.

Binuksan ang pinto sa gawi kung saan ako nakaupo.

Dahan dahan akong bumaba at napatingin nanaman sa paligid.

Ang tayog ng gusaling ito, at ang ganda!

"Welcome to L Hotel." Napapitlag naman ako mula sa aking pag sa-sight seeing.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now