19 ❤️ I'm Sorry

3.8K 280 34
                                    

Author's Note:

Hi guys! I have important announcements soon. I'll be posting it on my wall or announce it on my next update.

But for now, please continue your support sa Your Love, my first story.

Sa mga hindi pa nakakabasa, please read it first po dahil some of the characters na dadalaw sa CRT ay galing sa Your Love.

Thank you guys! I love you all.

🤍🤍🤍
Carlene

❤️🧡💛💚💙💜

Iniwan na ako ni Ate Wena na mag isa sa library ng mansion ng mga Liu.

Iginala ko nalang ang tingin ko sa paligid. Ilang beses na akong nakakarating dito pero namamangha pa rin talaga ako sa tuwing andito ako.

Inilapag ko nalang ang aking bag sa lamesa at saglit pang umikot sa paligid.

Hindi ko alam pero napaigtad ako ng marinig ang pintuan na nagbukas.

Napalingon agad ako dun.

Si Stephen ang dumating. Hindi nakaayos ang kanyang buhok kaya't nakabagsak ang kanyang bangs, ngunit naagaw parin ng atensyon ko ang bandage sa kanyang kaliwang noo.

Pero pagtingin ko sa kanya ay nakabusangot na ang kanyang mukha. Sabagay, ano pa nga bang bago?

Hindi ako magaling magbasa ng mukha, pero sa aking pagsusuri sa ngayon, parang mainit nanaman ang kanyang ulo.

Parang may inis at galit sa kanya. Na parang may lungkot rin at pagkabalisa.

Bahala nga siya. Hindi ko nalang iyon pinansin pa.

Isang hakbang ko palang palapit sa kanya ay inunahan na niya ako. Siya na ang lumapit sa akin.

Pag lapit niya ay napansin ko ang hawak niya.

Agad din niya itong inilahad sa akin.

"Your salary for this week." He said coldly.

"Ha?" Taka kong tanong sa kanya.

"It's in the contract. Kung ako ang dahilan kung bakit wala tayong session, we will still pay you. Get this, so you can leave now." Muli nanaman niyang inilahad ito sa akin.

Hindi ko na siya maintindihan.

"Pero. Hindi naman kasi yan ang pinunta ko dito eh." Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oh, come on. I know that you knew the contract. And this is what you want." Galit niyang sabi sa akin.

Ganun ba ang tingin niya sa akin?

Ako naman ay tila nabigla, at parang nasasaktan na sa sinasabi niya sa akin.

Bakit tinatablan na ako sa pang mamaliit niya sa pagkatao ko ngayon?

Sabi ko dati diba, okay lang na ako, pero wag ang nanay ko. Pero bakit ngayon, iba na?

Pero pinilit ko na huwag ipahalata sa kanya. Pero sa tingin ko ay kaunti nalang at hindi ko na kakayanin pa.

"Hindi iyan ang gusto ko. Hindi iyan ang ipinunta ko dito..." At unti unting parang may bumabara sa aking lalamunan.

"I am also terminating the contract. I talked to Yna, and she said that we just need to pay the remaining months. Once na maayos lahat, siya na lang ang kakausap sayo. So, get this money and you can leave now." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napalunok ako at pilit na nagsalita.

"Gusto lang kitang kamustahin. Ilang araw ka na kasing hindi pumapasok, at nagsisimula na akong mag alala sayo." Mahinahon kong sabi.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now