28 💚 Flowers... For Me?!

2.9K 191 24
                                    

Kulang ang salitang elegante para maisalarawan ang nakikita ko sa paligid ko.

Ang mga nagkikinangan at nag naglalarong ilaw. Ang mga nag gagandahang babae na nakasuot ng magagarang gown at alahas. Ang mga nag gagwapuhang lalaki, suot ang kanilang mga tuxedo.

Sumasayaw sila sa saliw ng malamyos at masarap sa tenga na tugtugin. Nakahawak ang mga lalaki sa bewang ng babae, habang ang mga babae ay nakapatong ang kamay sa balikat ng lalaki. Minsan ay nagbubulungan pa sila at nag ngingitian.

Kaming tatlo lamang ni Bry at Dracy ang naiwan sa lamesa.

Si Blake ay isinayaw ang kapatid ng kanyang kaibigan na sophomore pa lang.

Yung apat, nagpaalam na may pupuntahan saglit. Pero hindi ko rin alam kung saan. Basta't ang bilin lamang ni Stephen ay huwag akong aalis sa kinauupuan ko.

Kami ang mga tinatawag nilang bangko. Yung mga walang may gustong mag sayaw. Parang sa basketball, yung buong laro lang ay nakaupo lang at hindi na naipasok ng court. Pero ayos na rin sa amin ni Dracy ito, ayaw rin naman naming makita kami na nandun sa gitna at may kasayaw na lalaki.

Si Bryan naman, ewan ko ba dun. Ayaw din na mag sayaw ng mga babae. Eh may mga kakilala din naman kaming mga scholar na babae na nandito.

Nahihiya rin siguro siya.

Bumalik na rin si Blake sa amin at kinausap si Bryan. Di ko rin naman maintindihan ang pinag uusapan nila.

"Hey, are you guys okay here? Isasama ko sana saglit si Bry." Paalam ni Blake.

"Oo naman. I enjoy niyo na." Sagot ko sa kaniya.

"Don't worry about us, ayos lang kami dito." Dagdag pa ni Dracy.

"Babalik kami agad." Sabi sa amin ni Bryan bago sila tuluyang umalis.

Nagpalipas nalang kami ni Dracy ng oras sa pagkukwentuhan.

Ngayon ko lang nalaman na siya pala ay nagulat din ng sinundo siya ni Samuel. Dapat daw kasi ay magpapahatid lang siya ng tricycle dito.

Si Bryan naman daw ay si Blake ang kasabay na dumating.

At ayun na nga, kami na ang pinaka late na dumating.

"Tingnan mo si Tasha, Penelope at Yngrid. Akala siguro nila mukha silang barbie sa gown nila." Sabay hagikgik nito.

"Huy, hayaan mo na sila." Saway ko sa kanya.

"Nakakatawa lang kasi yung itsura nila. Pare pareho pa silang nag kulay pink, iba iba lang ng shade." Sabi ni Dracy habang sinisipat mula sa malayo yung tatlo.

"Tigilan mo na." Saway ko ulit sa kanya pero nagpipigil na rin ako ng tawa.

"Bakit, matatawa ka na no? Totoo naman kasi eh. Tingnan mo yung nguso ni Tasha, hindi na bumalik sa dati simula ng dumating ka. Hindi naman ganyan yan kanina eh. Naka pink pa na lipstick." Hirit nanaman niya kaya't sa huli ay napatawa na kami.

Ngunit sakto ang pag tingin sa amin ni Tasha, kaya't bigla kaming nahinto at palihim nalang na humagikgik muli.

"Hi girls." Napahinto kami sa pag tawa at nag angat ng tingin sa nagsalita.

"A... Apollo. Ikaw pala yan." Sagot ko sa kanya.

He's cute wearing his light gray tuxedo. Maayos din na nakahawi ang kanyang bangs.

"How are you?" Tanong niya sa akin at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko, ang kaninang inuupuan ni Stephen.

"Ayos naman ako. Ikaw ba?" Tugon ko sa kanya.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now