57 💛 New Couple?!

1.3K 68 9
                                    

Kinabukasan, nagising ako sa kanyang kama. Ay mali, dito pala sa kama ng bago kong tirahan.

Dito kami nakatulog at... alam niyo na, nabinyagan namin ang lugar na ito.

Dito sa kama.

Doon sa may sofa.

Sa storage room.

Sa may dining table.

Sa bagong kitchen. Naalala ko pa yung lamig ng marble kitchen top ng dumampi iyon sa balat ko.

Ay ano ba yan, MJ stop! Tigilan mo na.

Anyway...

Lumipat lang kami sa kanyang unit dahil wala kaming makain dito.

Nagluto lamang ako ng ramyeon at nilagyan ng mga gulay. Nilagyan ko din ito ng nilagang itlog.

Matapos naming kumain ay naligo at nag ayos na ako, mabuti nalang at may mga damit din ako dito sa kanyang bahay. Kailangan ko kasing bumalik sa dorm upang makausap na si Ms. Rubio sa pag alis ko dun.

Hinatid lang niya ako at bumalik na rin siya agad sa kanyang unit.

"Magandang umaga Ms. Jem." Bati sa akin ng guwardya, si kuya Tonio.

"Magandang umaga din kuya. Si Ms. Rubio ba, nandyan?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nasa loob siya. May kausap lang saglit. Pero kanina pa yun kaya malamang patapos na din." Sagot naman niya.

"Salamat kuya. Mag aantay nalang ako sa labas ng opisina niya." Tugon ko at pumasok na.

Sakto namang pag pasok ko ay siyang paglabas ng mga bisita ni Ms. Rubio.

"Hija, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba?" Tanong niya sa akin pagkakita niya.

"Kakadating ko lang din po." Tugon ko naman sa kanya.

"Halika at pumasok ka." Aya niya sa akin.

Naupo ako sa harapan ng kanyang lamesa.

"Pasensya ka na, dumalaw kasi ang mga pamangkin ko, magsisibalik na pala ng Amerika sa isang araw. Bueno, inayos ko na kagabi ang lahat. Tiningnan ko ang kontrata natin at may advance payment ka pa naman. Yun nalang ang gamitin para sa buwan na ito, para wala ka ng bayarang renta."

"Salamat po."

"May deposito ka rin na katumbas ng isang buwan. Yun naman ang gagamitin ko para sa kuryente, tubig at internet mo. Sa tingin ko nama'y sasapat na yun, kung kulang man ay ako na ang bahala."

"Nako, salamat po Ms. Rubio."

"Walang anuman Micah Jade. Kamusta naman ang inyong lakad kagabi ng nobyo mo?"

"Masaya naman po. Nag enjoy po ako na kasama siya."

"Hay nako, basta kapiling mo ang mahal mo, tiyak na maliligayahan ka. Tingnan mo ako, tumanda man akong dalaga, pero naranasan ko din ang ganyang klase ng saya no." Pagmamalakinpa niya sa akin.

"Nagkanobyo po kayo noon?" Kuryoso kong tanong.

Natawa naman ang ginang. "Hindi ako nagka nobyo hija. Nobya."

"Talaga po?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Nasa kolehiyo kami pareho noon ng makilala ko siya. Naging magkaibigan at malapit sa isa't isa. Hanggang sa hindi na namin naitago ang aming nararamdaman, at naging magkasintahan kami. Pero conservative ang tao noon at hindi tanggap ang ganung klase ng relasyon, kaya't kami nama'y pinilit naming itago."

Crazy Rich TransgenderOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz