67 ❤️ Red Alert

1K 57 15
                                    

It's been 3 days simula ng pumasok ako ulit sa school.

I know I'm not okay, but I'm trying. Sinusubsob ko ang sarili ko sa pag aaral, para makalimutan ko muna ang mga nangyayari sa akin.

Until now, hindi ko pa rin alam kung nasaan si Stephen. Hindi rin siya pumapasok sa school.

Sinubukan kong pumunta sa mansion nila kahapon, siyempre ay tumakas lang ako at nakiusaap kay Kuya Ed na pagbigyan ako. Si Ate Teresa ang nakausap ko. Kinabukasan daw noong huling nandoon ako sa mansion ay umalis si Tita Selena at Tito Tony kasama si Stephen. Wala ring nakakaalam sa mga tao sa kanilang mansion kung saan sila nagpunta dahil hindi ito sinabi sa kanila.

Kahit papaano'y napanatag ako ng malaman ko na sila Tita ang kasama niya. Hindi na ako mag aalala kung nasaan man siya o kung ano ang ginagawa niya.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng aking unit.

"Ay juskupo!" Gulat kong sabi ng makita ang nasa labas ng aking unit.

"Good morning, Ms. MJ." Bati niya sa akin.

"Kuya Rome, anong ginagawa mo dito?" Sinilip ko pa ang nasa likod niya, may dalawa pa kasing lalaki na nakatayo.

"Additional security lang po, Ms. MJ."

"Ha? Bakit? Para saan?"

"Sumusunod lang po kami sa utos."

Hindi na ako nangulit at hinayaan na lamang sila.

Si Kuya Ed lang kasi ang kasama kong driver at security mula ng sinundo ako ni Samuel, siya ang naghahatid at nagsusundo sa akin.

Pagbaba namin ng lobby ay nag aantay na sa amin si Kuya Ed. Pagsakay ko ay agad na ring sumunod si Kuya Rome. Ang dalawa pang bodyguard ay sa isa pang sasakyan na nasa likod namin sumakay.

Ano bang meron?

Mula ng maging Wong ako ay ngayon ko lang naranasan na may naka buntot pa sa akin na sasakyan ng bodyguards.

Hanggang sa pagbaba ko sa university ay nakasunod sila sa akin. Nasa likod ko silang apat at sinusundan ako sa paglalakad.

Nakakahiya, dahil pinagtitinginan na kami ng mga kapwa ko istudyante. Dati may mga nakikita lang ako na istudyante na may kasamang bodyguards sa loob ng university, pero hindi ko naman naisip na mararanasan ko din ito.

Pagpasok ko ng silid ay naiwan naman sila sa labas ng room.

Bagot ba sila sa mansion kaya binabantayan nila ako ngayon? Pero hindi eh, I know something's going on at aalamin ko 'yon.

Matapos ang klase ko, I immediately called Papa, pero hindi siya sumasagot. Si Nanay din, hindi rin sinagot ang tawag ko. Sabagay, malamang busy na siya sa pag aasikaso sa kainan niya. Tumawag din ako sa bahay, ngunit wala din na sumagot.

Weird ah.

Si Samuel nalang ang tinawagan ko. Finally, may sumagot din sa mga tinawagan ko. Sakto namang tapos na din ang klase niya, kaya't magkita na lang daw kami sa rooftop ng college building nila.

Sobrang nakakahiya talaga na may sumusunod sa akin na mga security. Baka akalain pa ay sobrang yaman namin.

Bigla ko nanamang naalala si Andrei saying... "We're crazy rich, ate!!!"

Napangiti ako ng bahagya kapag naalala ko ang kapatid ko.

"Samuel!" Tawag ko sa kanya pagka akyat ko sa roof top ng college building nila.

"What's the matter? May problema ba?" Nag aalala niyang tanong sa akin. Sinuri pa niya ang buong katawan ko.

OA na siya mag react noon, pero mas over acting siya ngayon. Anong meron?

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now