43 ❤️ Ikaw At Ako

2.7K 162 34
                                    

Author's Note:

Hi everyone!

It's Crazy Rich Transgender's 2nd year anniversary today!

It's been 2 years and I want to apologize for the slow update. Masyado lang talagang maraming ginagawa, but I am doing my best so I can update every time I could.

I also want to say thank you, sa mga matiyaga at wala pa ring sawa na sumusubaybay sa CRT sa loob ng dalawang taon. Mahal ko po kayong lahat at para sa inyo po ito.

At sa mga trans co-writers ko na araw araw kaming nagbabardagulan, shawarawt sa inyo dyan! Alam niyo na kung sino kayo. Ayan may update ako today. Wag kayong ano haha.

🤍🤍🤍
Carlene

❤️🧡💛💚💙💜

Sabi nila, balang araw, darating
Ang iyong tanging hinihiling
At noong dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Napahinto ako sa kanta na kinakanta ngayon sa music festival.

"MJ you have your phone with you right?" Ate Jem asked me.

Tumango naman ako.

Nasa open field na kami ngayon kung saan ginaganap ang music festival.

"I'll go ahead okay. I'm really sorry but I really need to go. I need to check on something." Sabi ni Ate Jem sa akin.

Sa tingin ko ay natataranta siya, mukhang may nangyayari na hindi niya alam kaya't nagmamadali siya.

Lumingap ako sa paligid, napaka daming tao. Pero napako ang tingin ko sa isang lalaki.

"Ayos lang ako Ate Jem, may nakita na akong kakilala."

"Good. Don't forget the things that I told you." Sabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis.

And yes that's true. I saw someone familiar.

Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata
At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala

Someone who's close to me.

Someone who suddenly changed my life.

Yeah... It's Stephen.

The one and only Stephen Joseph Liu.

Saglit pa akong lumingap sa paligid and I saw Blake. He nodded and smiled at me. Nag thumbs up pa siya. Tila sinasabi niya sa aking lapitan ko na si Stephen na nakatayo lang din mula sa malayo.

Ngunit pag balik ko ng tingin kay Stephen...

....our eyes suddenly met.

Nakatitig lang siya sa akin.

Pero unti unti siyang lumapit sa akin.

Maging ako ay nagsimula ng maglakad papalapit sa kanya.

"Micah Jade..." he said ng makalapit siya sa akin.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now