Unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko, walang humpay ang kalabog nang puso ko at pagharot nang mga paru-paro sa tiyan ko. Nang makalapit na siya inilapit niya yung labi niya sa tenga ko na naghatid nang kakaibang pangingilabot sakin, Ang kilig.

~

BUT WHEN WE TOUCH, I REALIZE
THAT I FOUND MY PLACE IN HEAVEN BY YOUR SIDE.

~

Panay ang tilian nang mga kababaihan dito sa Field, hinawakan ni Ethan ang magkabila kong Braso at pinagtagpo ang mga mata namin.

Bawat tingin na ibinibigay niya saakin ay parang may ibig sabihin, panay ang ngusap nang mga mata niya saakin.

"Diba sabi ko naman sayo Baby liligawan kita araw-araw? At ito ang simula Baby, kaya humanda ka nang kiligin"

Bigla ko siyang nahataw sa braso,

"Sira ka!" ani ko, na nagpatawa sa kanya.

"I love you too Baby!" saad niya sa Mic kaya naman rinig na rinig nang mga tao dito sa buong university!

"Whoooo! ShaiThan Foreverrrrrrrr!!" rinig kong sigaw, napalingon naman ako dun at nakita ko sina Melissa na may hawak na Tarpaulin na nakasulat ay "ShaiThanatics" ..

Hinawakan niya yung baba ko at pinagtagpo muli ang mata namin, napakagat naman ako sa labi ko, dahil sa mga titig na ibinibigay niya sakin.

"Don't bite your lips baby, na-seseduce akong halikan ka!"

Naramdaman ko ang biglang pag-init nang mga pisngi ko.

Hinataw ko ulit siya!

"Nakakarami ka na Baby ha! Diba sabi ko sayo, isang hataw kapalit nang isang halik!" saad niya na nagpakaba sakin. Whuuut?

Magsasalita pa sana ako pero agad niya na akong siniil nang napakalalim na halik, naramdaman ko ang panghihina nang tuhod ko kaya hinigpitan niya yung kapit sa bewang ko para di ako matumba! Kusa kong nailagay ang mga kamay ko sa leeg niya.

Muli nagsalita nanaman siya sa ibabaw nang labi ko.

"I love you Sweetheart."

--

Matapos yung nangyari kanina sa Field, hindi na huminto yung pagkalabog nang puso ko, sobrang bilis pa din nang pagtibok nito, na parang hinahabol ako.

Mabilis lang natapos ang klase ko dahil dalawang subject lang naman, na-late pa ako sa unang subject pero di nagalit si Prof. dahil na din sa kinausap siya ni Ethan. Panay pa nga ang asar sakin nang mga Ka-blockmates ko, pero di padin maiiwasan na madami pa ding naiinis sakin dahil naging kami nang prinsipe nila.

Si Melissa naman panay ang hataw saakin kanina, kesyo nakakakilig daw yung scene kanina lalo na yung Kiss! Nahihiya man ako pero pinipigilan ko yon' dahil na rin siguro na dapat di ko ikahiya ang meron samin ni Ethan dahil were' feel the same way naman.

"Baby! Kanina pa ako salita nang salita pero lutang ka." saad ni Ethan, oo nga pala kasama ko siya.

"Ha? Ano ba yung sinasabi mo?" tanong ko.

"Ayst! Sabi ko Dinner tayo sa labas!" nakangiti niyang saad.

Nginitian ko din siya at nakita ko muli ang pamumula nang tenga niya! Pinisil ko yung pisngi niya dahil ang cute niyang mag-smile!

"A-aray Baby!"

"Hahahahaha! Ang Cute mo Baby!"

Nag-iba yung expression nang mukha ni Ethan, huh? Bakit? Dahan-dahan niyang tinanggal yung mga kamay kong nakapisil sa kanya.

Naging pilyo yung ngiti niya at..

"Tinawag mo akong Baby!"

Whuuut? Tinawag ko ba siyang Baby? o.O

"Nung nakaraan, sa text tinawag mo akong baby! Ngayon sa personal!" masaya niyang saad. He cupped my face at pinagtagpo ang mga mata namin.

"I love you so much Baby!"

--

Nandito na kami ngayon sa isang Restaurant, diba sabi niya mag-didinner kami?

Tinawag niya yung Waitress na panay ang pa-cute sa kanya, napansin naman ni Ethan yung pagkainis ko kaya hinawakan niya yung kamay ko at pinisil-pisil yon. Umorder siya nang pagkain namin at maya-maya dumating na din.

Hindi ako nakakain mag-isa ko dahil panay ang subo sakin ni Ethan!

"Hahaha! Ang cute mo Baby!" namula ang mukha ko sa sinabi niya! Yun yung sinabi ko sa kanya kanina!

Kinuha ko yung tinidor at nagpaikot nang creamy pasta at sinubo sa kanya.

"Hmm. Ang sarap lalo na pag si Baby nagsubo!" saad niya nang malakas kaya naman napatawa yung mga ibang kumakain dito.

Nahataw ko siya sa kamay niya.

Naging pilyo nanaman ang ngiti niya. Ayan nanaman siya!!!

"Ethan!!!" suway ko sa kanya na nagpatawa sa kanya.

"Alright, hindi na baby. Hahaha!" tawa niya, ayst!

Natapos yung dinner date namin at inihatid niya na ako sa bahay.

"Sunduin kita dito bukas Baby, 6pm okay? Ako ang escort mo." saad niya habang pisil pisil ang mga kamay ko.

Hinawakan nang dalawang kamay niya yung pisngi ko at binigyan ako nang halik sa noo.

"I love you Baby Sweetheart, i'll call you later okay?" nginitian ko siya at ganun din sa akin.

"Ingat ka, I love you too.." pahabol ko na nagpangiti sa kanya, pumasok na ako sa loob at narinig ko ang pag-andar nang sasakyan niya.

Sarado na ang ilaw sa sala, alas-onse na rin kasi nang gabi siguradong tulog na sila Mama. Dumiretso na ako sa kwarto ko at maya-maya lang nag-ring na yung Cellphone ko.

Sweetheart Ethan <3 calling....

Napangiti ako sa nakarehistrong pangalan sa cellphone ko, agad kong sinagot iyon.

"Nakauwi kana agad?" tanong ko.

"Oo Baby, malapit lang naman yung village."

"Ay! oo nga pala! Wait lang magpapalit lang ako!" saad ko at ni-loudspeak yung cellphone.

"Alright, baby"

Nagpalit na ako nang pantulog at naghilamos at toothbrush na din tsaka humiga na sa kama.

"Are you still there Ethan?" tanong ko. Narinig ko yung paghinga niya nang malalim.

"Yes Baby,"

Nag-usap lang kami nang nag-usap panay siya nang kwento sakin at ako naman ay natatawa na lang, ang sarap palang kausap mo yung taong mahal mo lalo na pag bago ka matulog.

Napahikab naman ako kaya alam kong narinig niya yon.

"Inaantok kana baby?"

Tumango-tango ako na parang nakikita niya ako, "Yeah, inaantok nako. Im sorry." saad ko. Ayaw ko pa sanang putulin yung pag uusap namin pero tinamaan na ako nang antok.

"Its okay baby, kantahan nalang kita, para mabilis kang makatulog" saad niya, hindi na ako nagsalita at nagsimula na siyang kumanta nang Heaven by your side. Sabi niya, kanta na daw niya para saakin iyon.

Unti unti na akong nakaramdam nang antok, at unti-unti ko nang naipikit ang mga mata ko.

"But when we touch, i realize.. that i found my place in Heaven by your side.. I love you Baby."

--

May Kinilig ba? Nakakakilig ba? Huhubelss :(( Pero ako kinilig. Lels. :D

Next Update: January 14, 2015 :'>

Thank you sa mga Nagbabasa, Nagcocomment at Nagvovote :) Lovelots! :'*

-Eightfinity<3

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Where stories live. Discover now