CHAPTER 30: Red Queen

En başından başla
                                    

"Kamusta, Boss? Nabasa ninyo na?"

Hindi ko siya sinagot. Ang mga mata ko at isip ko ay naka-focus sa screen ng laptop ko.

Tahimik kong binasa ang bagong message na galing sa kaniya.

"Ano ito?"tanong ko.

Ang isa kong kamay ay nasa cellphone. Habang ang isa naman ay nasa laptop.

"Hospital files yan ni Miss Elena Gomez a.k.a Madam X kung saan nanganak siya sa sanggol na babae."

Kumpleto ang files mula sa anong oras sya nanganak, ilang kilo ang timbang ng bata, at kung ano-ano pa.

"Base sa nalaman ko. May iba pang anak si Madam X."dagdag niyang sabi.

Naalala ko ang sinabi ni Red kahapon tungkol dun.

Kumunot ang noo ko ng makita ang iba pang sinend ni Claud. Ilang pictures ng isang babae kasama si Nicanor. Obvious ang babae ay si Madam X dahil nakita ko na ang mukha nito ng maka-engkwentro siya ni Red kahapon.

May hawak na bata si Madam X. Mukhang ito si Black.

Bukod sa litrato ay may iba pa akong nakita. Isang Agreement na nagpapatunay na ibinigay ni Madam X ang kaniyang anak kay Nicanor. Parehas pa silang naka-pirma sa dulo ng agreement.

Mukhang ito sapat na ang mga katibayang ito para maniwala ako sa mga sinabi ni Red.

"Hindi nga si Black ang hinahanap ko."sabi ko.

"Yes, Boss. Hindi nga siya. It means, si Red Queen. Dahil siya nalang ang natitira. Nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay wala akong mahanap na info about sa tunay niyang pagkatao. Basta ang lumalabas lang ay siya si Red Queen Morpeheous."

Bigla akong napaisip sa narinig.

"Hindi kaya sinasadya ito ni Nicanor?"

"What do you mean, Boss?"

"Baka kaya wala kang mahanap na info sa kaniya ay dahil pinangangalagaan ni Nicanor ang tungkol sa kaniya. Noon palang naisip niya na baka dumating yung araw na may maghanap kay Red tutal may ilang kamag-anak pa siyang natitira."paliwanag ko.

Iyon agad ang mga naisip ko. Bago makuha ni Nicanor si Red alam niya na kung saang pamilya ito galing.

"Pwede, Boss."

Natahimik ako at muling tinitigan ang  screen ng laptop ko. Muli kong tinitigan ang mga sinend ni Claud sa akin.

Nang magsawa ay sinarado ko na ang laptop at inusog sa tabi ng unan ko.

"So ano ng plano ninyo, Boss? Kahit wala pa tayong mahanap na info sa totoong pagkatao ni Red Queen. Obvious na siya na ang Apo ni Don Buenza. Dahil ang Daddy ninyo na ang may sabi na isa sa mga ampon ni Nicanor ang ipapahanap niya sa inyo."

Napatango ako. May punto siya. Si Red na nga ang apo ni Don Buenza. Pero gusto ko ng patunay para mawala ang agam-agam ko.

Inaamin kong hindi bagay si Red para sa Buenza Famiglia. Pero wala akong magagawa kung siya nga ang nawawala nilang tagapagmana. Basta kailangan ko pa rin ng ibidensya. Ewan ko ba parang hindi ko matanggap na si Red ang magiging susi para magawa kong maipakilala si Ace sa buong mundo bilang Kambal ko.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin