Chain133

26 2 0
                                    

•KIM•

Nasa sasakyan kami ngayon ni Prince papunta sa bahay ko. Hindi nya alam na ngayon ko ibibigay yung surprise ko sa kanya.

Tiningnan ko sya habang nag dadrive.

Ang gwapo. Ang gwapo ng magiging asawa ko.... joke.

Nagpapractice lang.

"I will melt." Nginisihan niya ako.

Inialis ko naman agad ang tingin ko sa kanya at humarap sa dinaraanan dahil namula ang pisngi ko.

"T-tse! Hindi naman ikaw ang tinitingnan ko. Ang panget panget mo." Nag cross arms pa ako pero natatawa na ako.

Bigla niyang inihinto ang sasakyan.

"Bakit mo hininto?!" Inis na sabi ko.

"Hindi mo pa rin ba ako mahal hanggang ngayon?" Nalungkot ang mukha niya.

Sumeryoso ito at tinitigan ako.

"P-Prince... ano bang ibig mong sabihin?" Nakakunot ang noo ko.

Bigla naman niya akong hinalikan pero smack lang yon. Nagulat ako sa ginawa nya.

Pakiramdam ko ang daming kulisap sa tiyan ko.

"Prince!"

Tumawa sya.

"Surprise! Inunahan na kita. Ayan din naman surprise mo sakin eh."

Hinampas ko agad sya. Pero namula ang pisngi ko.

"Bwisit ka! Wala talagang surprise surprise sayo ano?!"

Tumawa sya at pinaandar na ulit ang sakay.

Ngumisi ako patago.

Akala nya talaga iyon ang surprise ko sa kanya. 

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now