Chain116

25 2 0
                                    

•Charity•

Pinatayan ako ng phone ng babaeng yon.

Tumingin ako kay Prince.

"Prince. Kumain ka naman na. Pupunta naman si Kim dito mamaya eh. Ilang araw ka ring tulog na hindi kumakain maawa ka sa sarili mo." Pagmamakaawa ko kay Prince na hindi pa ginagalaw ang pagkain sa gilid nya.

"Asan si Kim?" Ilang beses nya ng itinanong to. Naririndi na din ako. Si Ezekiel naman nagkakape sa may couch ng hospital room.

"May pinuntahan daw sya."

"Where?"

"Hindi ko masyadong natandaan ang sinabi nya. But it's unfamiliar." Sagot ko habang nagtitimpla din ng kape.

Napatingin kaming lahat sa pagbukas ng Tv ni Zeke. Nakatuon ang atensyon namin doon habang nilalakasan nya ang volume.

"This is Armani Rivera reporting. Narito ang mga maiinit na balita ngayong araw. Isang lalaking may kaso ng sexual harrasment at Pananakot sa isang tao ang nakatakas mula sa hawak ng mga pulis. Kagabi, Alas dyes ng gabi ay hindi namamalayan ng mga pulis na nagbabantay, na bigla na lamang itong nawala sa paningin nila. Bagamat madilim ay mahirap itong makita. Sinusubukan ng hanapin ng polisya ang naturang lalaki. Ang lahat ay pinagiingat lalo na ang taong pakay ng lalaking ito.—"

Pinatay ni Zeke ang TV.

Kumabog ang dibdib ko. Kung nakatakas siya, nasaan siya ngayon?

"Where exactly is Kim? Tell me please. She might be in danger right now." Nagmamakaawang sabi ni Prince sakin.

"I can't remember the place. But I remember what she said . It looks like an old ancient hotel..."

"Fuck. I need to see her." Tumayo sya at inalis ang dextrose sa katawan niya.

Agad ko siyang pinigilan.
"Hindi ka pa magaling!"

"I know. But how did she get there?!" Galit niyang tanong.

"That day.... m-may inabot na piece of paper ang pinsan mo sa kanya galing sa bulsa mo—"
Hindi na nya natapos ang sinasabi ko dahil tumayo na sya at nagsapatos.

"Damn. She's in great danger!"

Mabilis siyang tumakbo palabas ng Hospital room hawak ang bewang niyang sugatan.

"NO! PRINCEEEE!"

Hindi na namin siya napigilan.

"Come on Zeke. Let's follow him."

Agad kaming nagmadaling sumunod  sa kanya.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now