Chain62

33 2 0
                                    



KIM

Pagkatapos nilang bumili ng ticket sumunod din ako at sinabi sa cashier na dun ako uupo sa seat na medyo malapit sa kanila. Mga 4 rows apart . Hindi naman na siguro nila ako makikita.

Nagsimula na ang movie. Namatay ang mga ilaw. Pero tanaw ko silang dalawa. Nga pala, syempre babae yung kasama nya. Mahaba ang Buhok at nakaponytail. Naka off shoulder din ito at kitang kita ang balat nyang maputi. Hindi ko naman maikakaila na maganda sya.

Pero teka, girlfriend ba sya ni Prince?

"Aahhhhhhh!!!!"

Nagsitilan ang mga tao lalo na nung nag close up ang mukha nung multo.

Napayakap tuloy ang babaeng yon kay Prince. Gusto kong hilain ang sobrang haba niyang buhok!

Sa sobrang gulat ko naibato ko ang isang dampot na popcorn sa direksyon nilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon.

Hindi ko na sila hinintay pang mapatingin saakin dahil tumakbo na ako palabas dahil hiyang hiya na ako.

Bakit ko ba kasi ginawa yon? Hays!

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now