Chain43

35 4 0
                                    

KIM

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi . Pero siguro pagkatapos kong umiyak nakatulog na ako.

Huminga ako ng malalim.

Papasok ako sa work ngayon. May photoshoot ako for magazine at kahit takot ako pupunta pa rin ako. Bahala na.

Isinuot ko ang shades ko at kinuha ang susi ng kotse ko.

Paglabas ko halos maibalibag ko ang bag ko sa nakita ko.

"P-prince?"

Naabutan ko siyang tulog sa sahig at nakasandal ang likod nya sa pader .

Naimulat nya ang mata nya at nakita ako.

"Anong ginagawa mo dyan? Hindi ka ba umuwi?" Nag aalalang tanong ko.

Kasi kung kagabi pa sya dito, malamang hindi sya nakatulog ng maaga.

Tumayo sya. Halatang puyat ang mata at walang buhay na tumingin saakin.

"I can finally go home." Malamig na sabi nya at tinalikuran ako.

"T-teka—" magsosorry sana ako sa nangyari pero bigla nya akong pinutol.

"Change your address." Sabi nya ng nakatalikod saka nagmadaling naglakad paalis saakin.

Is he mad?

Tanga ba ko ? Syempre oo galit yon.

Did he slept here para bantayan ako?

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now