Chain117

24 2 0
                                    

•KIM•

Ilang minuto na akong nakatayo medyo malayo dito sa lumang hotel. Pero tanaw ko ito.

Ano bang meron dito? Bakit may alam na ganitong lugar si Prince at anong pakay nya? Parang wala namang masyadong nakatira.

Bubuksan ko sana ang cellphone ko pero bigla itong na lowbat.

Bumuntong hininga ako at pupunta na sana sa lugar kaso nung tumalikod ako may nakabungguan akong lalaki. Napaupo ako sa sahig.

"Aray!" Hinawakan ko ang likod ko.

"Sorry Miss. Hindi ko sinasadya."  Nagabot sya ng kamay saakin at itinayo ako. Pero nagulat ako at naitulak siya.

"B-bakit nandito ka?! H-hindi ba dapat nasa kulungan ka?!" Takot na takot kong tanong habang lumalayo sa kanya.

Nakakunot ang noo niya at saka tumawa.

"Ano bang pinagsasabi mo miss. At bakit naman ako makukulong eh wala naman akong ginagawang kasalanan!"

Kumunot ang noo ko.

"You are Fred right?" Takang tanong ko.

"Oo ako nga. Fredrick Villanueva. Kilala mo ba ako miss?"

"D-don't you remember everything? You are my stalker. You are obsessed with me." Pahina ng pahina ang boses ko.

Natawa sya.

"Obsessed? Ako? Hahaha. May asawa na ako Miss saka hindi naman kita type at hindi kita kilala. Nawawala ka ba?

It's weird. The face... the body... the voice... why it has to be the same?! But who is that?!

"S-sorry... m-maybe I'm mistaken." Naglakad ako palayo sa kanya.

Sinulyapan ko pa sya ulit ng isang beses pero naglakad na rin sya palayo.

Its really weird. Naguguluhan na ako.

Eto ba? Eto ba ang gustong makita ni Prince? O alam na niya?

What is this really?

Sumakay ako sa kotse at pinaandar ito. Huminga ako ng malalim. Nagulo ang utak ko sa lahat ng pangyayari.

Sumunod akong pumunta sa isa pang lugar na nakasulat doon. Ang Hospital.

Alfonsus Medical Hospital.

Pagkatapak ko pa lang sa pintuan ng hospital, bigla akong nakaramdam ng hindi magandang mangyayari.

Pero nagpatuloy ako.

Hinanap ko ang kaisa isang Physician na si Doctor Robert Fowler.

Nasa Second floow daw ang clinic niya.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng pintuan nya at pumasok ako.

"Doctor Fowler?"

Humarap ang lalaking medyo may edad na . Wala syang pasyente ngayon.

"Yes Miss? Anong ipapagawa mo? Hmm.. mukhang perpekto na mukha mo . May ipapagawa ka pa ba?" Tanong nito.

Kumunot ang noo ko.

"N-no... uhm... I'm just here to ask you something."  Nauutal kong sabi.

"Maupo ka muna iha." Itinuro niya ang upuan sa tapat ng table nya. Naupo naman kaagad ako.

"Ano yung tanong mo ?"

"Is there.... perhaps.. uhm... d-do you have a patient named Fred?" Sa wakas ay naitanong ko rin.

"Hmmm.. let me check."

May kinuha syang listahan ng mga naging pasyente nya.

"But wait. Everything here is confidential. May I know how are you related to that person?" Tanong nyang naniniguro.

Lumunok ako.

"I'm his... cousin." Sagot ko.

Mukhang nakalusot naman ako kaya agad nyang hinanap ang pangalan nito.

"Hmmmm... there is nothing. Wala akong naging pasyenteng Fred..."

Parang nabigo ako sa narinig ko. Siguro mali nga ang iniisip ko.

"But....."

Bigla akong nabuhayan.

"A-ano po yon?"

"There's a man who wants to change his Face into Mr. Fred Villanueva's face. Here's the picture."

May inabot sya saaking picture.

At doon ko nakumpirma. Ito nga yung lalaki kanina.

Napansin kong parang nagkaiba ang kulay ng mata ng lalaking ito kaysa sa lalaking stalker ko. Itim ang kay Fred. Ang tunay na Fred. At medyo grey naman ang sa lalaking nagpapanggap na Fred.

Tama kaya ang konklusyong nasa isip ko?

May tuldok na kaya ang lahat?

"A-anong pangalan ng pasyenteng yun?" Kinakabahang tanong ko.

"H—"

Naputol ang sasabihin niya dahil may tumawag sa telepono.

"Sandali sasagutin ko lang iha. Mukhang importante."

Tumango naman ako.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now