Chain35

41 4 0
                                    


KIM

Bumalik ako sa sala at naabutan ko sya doong nakahiga sa sofa bed ko at nakapikit ang mata.
Pagod ba to o nakikitulog dito sa bahay ko?

"Ano bang ginagawa mo dito? Nakikitulog ka lang?" Inilapag ko ang dala kong lalagyan ng Ice bag at yelo sa glass table.

"Hmm." Nakapikit nyang sagot. "Wala lang. gusto lang kitang makita. Bawal ba?"

Umirap ako sa kawalan.

"Tingin nga ng mukha mo." Inalis ko ang braso nyang nakapatong sa mukha nya.

"Nagasgasan ko pa ang panget mong mukha. Sayang hindi ko nabuo at maliit lang ang gasgas." Pagbibiro kong sabi.

Napa "tss" lang sya pero nakapikit pa din.

"Oo na kasalanan ko na kaya nga gagamutin ko eh. Umayos ka sasakalin kita dyan." Pagbabanta ko at nilagyan na ng yelo ang ice bag.

Idinampi ko ito sa mukha nya para mawala na ang pamumula. Dahan dahan ko itong idinadampi habang nakapikit pa rin sya.

Ngayon ko lang sya natignan ng malapitan. At take note, yung hindi nakakagulat ha.

Ang ganda ng mata nya tapos sobrang pointed ng ilong. Ang amo ng mukha at napakakinis. Parang baby face lang. Pati ang bibig mapula...

"Enjoying the view?"

"Ay pusa ka!"

Sa gulat ko naidiin ko tuloy ng sobra ang ice bag sa sugat nya.

"Aray!! Nakakailan ka na ah." Pagdaing nya at napahawak sa pisngi nya.

"Bakit ba kasi bigla bigla ka na lang dumidilat dyan?!" Inirapan ko sya.

"Enjoy na enjoy ka sa pagtingin sa gwapo kong mukha eh. Aminin mo na kasing crush mo ako."

"Yuck! Binibilang ko lang kung ilan yang nunal mo! Asa ka pa!" Lumayo ako para kuhanin ang first aid kit.

Narinig ko syang tumawa ng mahina.

Nakaupo na pala sya. Naupo ako sa harap nya at hinawakan ang pisngi nya.

Naiilang ako sa sobrang lapit nya saakin. Lalo na kapag nakatitig lang sya saakin ng seryoso.

Nilagyan ko ng bandaid ang pisngi nya at sa wakas natapos na rin. Lumayo kaagad ako dahil kanina pa sya seryosong nakatingin saakin. Para akong natutunaw.

"Ayan tapos na."

Nakangiti na ulit sya at parang baliw na hinahawakan ang pisngi nya.

"Ang galing naman pala ng nurse ko."

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ko.

"Wala lang." simple nyang sabi.

"Tss. Sige bahala ka dyan. Panggulo ka talaga."

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon