Chain130

24 2 0
                                    

•KIM•

Ngayon ang alis ni Prince sa Hospital. Completely healed na kasi siya. Kaya pumunta ako don.

Pagtapak ko pa lang ng pintuan, naabutan ko na ang mommy niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Yumuko ako dahil nahihiya ako.

Nagulat na lamang ako nang lapitan niya ako.

"Iha, let's have a talk." Nginitian niya ako.

Gusto kong manghina at kinakabahan ako. Ngayon lang kami nag abot dito.

Sinundan ko sya at lumabas kami.
Nagpunta kami sa maliit na garden sa labas ng hospital. Naupo sya sa may bench.

"Halika rito iha." Tinapik nya ang tabi nya para paupuin ako roon.

Sumunod naman ako.

Walang nagsasalita saaming dalawa kaya ako na ang nagsimula.

"M-ma'am, gusto ko lang po sanang humingi ng tawad sa lahat ng naidulot kong masama sa anak nyo.... I'm sorry po." Yumuko ako.

"Ako dapat ang humingi ng tawad sa lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sayo. Pasensya na iha..."

Hinawakan niya ang kamay ko. Tumingala ako at tiningnan siya.

Nginitian niya ako. Napakaganda ng mommy ni Prince. Para syang anghel.

"Mahal na mahal ka ng anak ko iha... kaya hangga't maari, gusto kong maging masaya lang sya. Pasensya na sa lahat ng nasabi ko sayo. Alam kong mabuti ka kaya mahal ka niya...."

"Pasensya na din po... m-mahal ko rin naman po ang anak nyo." Sagot ko.

"Gusto kong maging masaya lang ang anak ko. At gusto ko ikaw lang ang babaeng mamahalin nya habang buhay...."

Nginitian niya ulit ako. Isang matamis na ngiti.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now