Chain61

32 4 0
                                    


KIM

Hindi talaga ako mapakali kung sino ba yung kasama ni Prince na manonood ng Cinema ngayon kaya nagpunta ako sa Mall. Hindi ko alam kung saang mall sila manonood pero siguro dun sa pinakamalapit na lang.

Nagpunta ako don at hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko sila. Nagsuot pa talaga ako ng Disguise para hindi niya mahalata na andito ako at sinusundan sila.

Nakasuot ako ng baggy clothes. Isang oversized Brown sweater at white baggy jeans tapos sneakers. Naka nerdy glasses din ako at naka Cap na white. Mukha akong ewan. Pero bahala na. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba ginagawa to . Kung bakit ba kasi na wrong send ang kupal na yon edi sana hindi ako nagiisip kung sino ang kasama niya.

Habang naglalakad sila, nakasunod ako. Bumili sila ng popcorn tapos ticket para sa panonoorin nilang Horror Movie.

What the heck Horror Movie?! Balak ko pa naman sana silang sundan kaso takot ako sa mga ganyang palabas.

Bahala na nga.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now