Chain128

26 1 0
                                    

•KIM•

Bumaba ako ng kotse kong nanginginig ang tuhod. Hindi ko alam bakit ako bumaba para harapin siya imbes na tumakas.

"You miss me?" Nakangising sabi niya saakin habang lumalapit. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"P-paano ka nakatakas?"

Ang weird dahil ibang tao ang kausap ko ngayon at hindi ang Fred na nabunggo ko kanina.

"Kasi gagawin ko ang lahat para sayo Kim." Nginitian nya ako. Ngiting nakakatakot.

It's real. Siya nga.

"Sir Ramos."

Tila napatigil siya sa paglalakad nang binanggit ko ang pangalang yon. Nanlaki ang mga mata nya.

Ako naman ang ngumisi.

"Maybe you're smart. But I'm smarter than you sir...oops. Is that how I should call you? Or Fred? Fuckin fake." Pinagdiinan ko pa ang salitang 'fake' dahil naggagalaiti na ako sa galit.

Nagulat naman ako sa ginawa nya at bigla na lang syang nakalapit saakin at sinakal ako.

"B-bitiwan mo a-ako" nakikita ko sa mga mata nya ang halo halong emosyon. Galit, pagnanasa, paghihiganti.

"Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka Kim. Pero bakit sa lalaking iyon ka pa babagsak? Sa lalaking pumatay kay Sapphire! Ha!"

Mas diniinan pa nya ang pagkakasakal saakin at hindi na ako makahinga ng maayos.

"H-h-hindi ko sinabing m-mahalin mo ako"

Hindi na ako makahinga sa ginagawa nya pero bago ako mamatay gusto kong sabihin ang lahat.

"K-kahit magpalit ka pa ng mukha.... h-hinding hindi kita magugustuhan—hhhh!"

Muntik na akong mawalan ng hininga pero bigla na lang siyang sumalampak sa sahig.

Bumawi ako ng hininga saka ko pa lang napagtanto kung sino ang gumawa non.

Prince.

"Fuck you! Hindi ka pa ba tapos sa panggugulo sa buhay namin?!" Sinuntok nya ito.

"PRINCE!"

Sumigaw ako para mapigilan ang dalawa pero hindi sila nagpatinag.

"Hindi pa."
Ngumisi si Sir Ramos.

"Hindi pa dahil hindi ka pa namamatay!" Susugod na ito ngunit biglang nagsidatingan ang mga pulis at dinukot sya.

"Kim! Ayos ka lang ba?" Agad akong chineck ni Charity. Andito din pala sila. Kasama si Zeke. At ang tunay na Fred.

Tumango ako. Agad kong nilapitan si Prince at hinila sa braso. Masyado akong nag alala sa kanya.?

Nagkatitigan kami pero saglit lang.

"Ayos ka lang ba?" Tanong kong nagaalala sa kanya.

Tumango sya at hinaplos ang ulo ko.

"As long as you're safe." Nginitian nya ako.

Nakarinig naman kami ng isang malakas na suntok at sipa mula sa gawi nila Sir Ramos.

Nakita namin si Fred na sinusuntok ito.

"Walanghiya ka! Ginamit mo pa ang pagmumukha ko sa kagaguhan mo! Alam mo bang marami kang sinisirang buhay?! May pamilya ako! At ano na lang reaksyon nila pag nalaman nilang makukulong ako?! Napakasama mong tao!"

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt