Chain68

34 4 0
                                    

KIM

Bumalik ako habang suot suot ang Tshirt na pinahiram niya.

Nilingon nya ako.

Ngumiti sya.

"Bagay sayo."

Inirapan ko sya saka ako naupo sa sofa.

"Ang laki ng damit mo nagmukha tuloy dress sakin. Tangkad mo kasi eh."

Bigla niya akong hinila sa tabi nya kaya nagulat ako.

Nakaramdam na naman ako ng uneasiness sa dibdib ko.

"Lika nga dito. Bakit ka ba nagpunta sa mall? Sinundan mo ko no?" Niyakap nya ang ulo ko.

"A-ano ba Prince!"
Tinulak ko sya at lumayo sa kanya.

Tumawa siya.

"In your motherfucking dreams hinding hindi kita susundan!" I rolled my eyes for the nth time.

"Weh?? Hindi mo ba tatanungin kung sino yung kasama ko?" Tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Nag cross arms lang ako.

"Talaga babe? Hindi mo tatanungin?" Mas inilapit nya ang mukha niya sakin. Tumalon bigla ang puso ko. Napakalapit niya.

Nagulat ako kaya hindi agad ako nakagalaw.

Sumeryoso ang mukha niya. Nakatitig lang sya sa mga mata ko.

"Wala ba talaga?" Bulong niya nang hindi inaalis ang tingin sakin.

"Wala ka ba talagang nararamdaman sakin?"

Ibinaba ko ang tingin at umiwas sa kanya .

Sana nagbibiro lang sya.
Ramdam ko ang mabigat niyang paghinga.

"Ano ka ba wag ka ngang mag joke dyan. Hindi ka nakakatawa ." Sinubukan kong baguhin ang awra sa loob ng condo dahil iba na ang nararamdaman ko.

Sa wakas ay lumayo na sya sakin at sumandal sa sofa.

"Haaaaaaayyyyyyy kung di ko lang nakita kung pano mo hagisan ng popcorn yung kasama ko kanina." Tumawa sya ng malakas.

Nainis naman ako at hinampas siya ng unan.

"Bwiset! Kung makalingkis sayo parang mighty bond!" Umirap ako.

"HAHAHAHAHA! So selos ka na nyan?"

"Hindi no! Tsk! Matutulog na ako! Alis dyan!" Tumayo ako at pinaalis siya sa sofa na inuupan niya.

"Ayoko nga. Dun ka sa kwarto ko matutulog."

Hinampas ko na naman siya ng unan.

"Ayoko nga! Hindi ako tatabi sayo. In your dreams!" Inis na sigaw ko.

Ngumisi sya na may kasamang tawa.

"Yon ba naiiisip mo? Kasi dito dapat ako sa sofa at dun ka sa kwarto ko pero kung gusto mo sige halika na babe tulog na tayo sa kwarto ko." Nagmadali siyang tumayo at hinila ako.

Hinila ko pabalik ang kamay ko.

Gaga. Ang tanga ko. Ano ba kasing iniisip ko?

"C-che! Dyan ka na nga!"

Padabog akong tumakbo papunta sa kwarto nya at isinara agad ang pintuan non.

Kinapa ko ang dibdib ko a pinakalma sa pagtaas baba nito.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now