Chain107

27 3 0
                                    

•KIM•

Nagulat ako sa mabilis na pagpunta ng mga pulis. Nakita ko rin sila Charity at Ezekiel.

"Kim! Omygod!" Nagmadali siyang pumunta sa likuran ko at tinanggal ang pagkakatali saakin.

Agad nya akong niyakap saka umiyak.

"Mabuti ayos ka lang. Nag alala kami sayo." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Niyakap ko rin siya, pero isa lang ang laman ng utak ko ngayon.

"Si P-prince..."

Sabay kaming pumunta sa nakahandusay na si Prince.

Lumuhod ako. Tumulo ang luha ko sa pisngi niya. Dumudugo ang tiyan nya at ang palad nya.

Nanginignig ang labi ko. Halos hindi ako makahinga sa kalagayan niya.

Dumating ang ambulansya at kinuha sya. Hinawakan ako sa braso ni Charity at piliy inilalayo kay Prince.

"H-he'll be okay right?" Nanginginig kong tanong.

Dinala na sya ng mga nurse pababa sa abulansya.

"He will. He's strong." Niyakap ako ni Charity at hinaplos ang buhok ko."

"Love, you should take her home. I need to help others for the investigation." Malungkot na sabi ni Zeke kay Charity.

Ngumiti ito.

"No." Pagpigil ko.

Tila nagulat silang dalawa at kumumot ang noo. 

"Take me to the hospital. Gusto kong makita si Prince. Gusto kong ako ang una niyang makita pagdilat ng mata niya."

"Pero delikado at gabi na Kim. Tatawagan ko ang parents nya para sila ang pumunta don. You should rest." Nangangamba nyang sabi sakin.

"Please Charity.... I want to fight for him too. All this time, he only cared for me. I'm just blinded. But now, I want to fight for him. And...."

Tiningnan ko silang dalawa.

"I want to figure out the truth for him." Seryoso kong sabi.

"I-if that's what you want... then, let's go."

Hinawakan ni Charity ang kamay ko at inalalayan akong bumaba ng Hotel papunta sa kotse niya. She'll drive for me.

"Are you okay?" Tanong nya sa gitna ng biyahe.

"I'm not." Diretso ang tingin ko sa daanan.

Matagal ulit naging tahimik ang biyahe.
I'm spacing out. Sobrang dami kong iniisip na posibilidad. My mind now is puzzled. I can't fix  it.

"We're here."

Pinark niya ang kotse sa ground floor.

Nagmadali kaming bumaba at tumakbo papunta sa Emergency Room. Malala ang sugat at pagdurugo ni Prince.

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Sobrang bigat ng damdamin ko. Lahat ng to kasalanan ko. Kung hindi ako nakipagbangayan sa kanya nung time na yon, hindi sana ganito kabilis ang pangyayari.

Tumakbo na ako. Hindi ko na ininda kung ano ang suot ko at kung wala akong panyapak. Basta ang alam ko lang kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman ang kalagayan niya.

Pagdating ko doon, nakita ko kaagad ang mommy ni Prince na humahagulgol ng iyak. Hindi ko alam kung lalapit ako . Natatakot ako. Pero kasalanan ko naman ang lahat.

"Kim." Pinigilan ako sa braso ni Charity.

Nilingon ko sya.

"I can handle." Nginitian ko siya saka ako naglakad ng mabagal patungo sa umiiyak na mommy ni Prince.

"M-ma'am... I-I'm sorry..."

Hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko ay may dumampi ng sampal sa pisngi ko. Napakalakas non at pakiramdam ko mapupunit na ang pisngi ko.

Hindi ko maiwasang tumulo ang luha.

"KIM!" Agad namang lumapit si Charity at hinawakan ako sa balikat. 

"IT' S YOU! Dahil sayo nag aagaw buhay ang anak ko ngayon! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang protektahan ka! Anong napala nya? Wala naman diba? Mahal na mahal ka ng anak ko kaya ka nya iniingatan pero sya ang napahamak dahil hindi mo naman siya pinahalagahan!"

Itutulak nya pa sana ako kaso dumating ang pamangkin niyang babae para pigilan siya.

"Tita, tama na po yan..."

Nagbitaw ng mabigat na hininga ang mommy niya at umalis silang dalawa doon.

Hindi ako makapag salita. Walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"I think... we should rest for today Kim. Bumalik na lang tayo bukas kapag lumamig na ang ulo ng mommy ni Prince." Hinawakan niya ang likod ko.

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang ako sa kanya.

"Iuwi mo na lang ako sa bahay ko Cha." Walang gana kong sabi.

"Will you be okay?" Pag aalala niya.

Nilingon ko siya.

"Don't worry." I assured her with a smile.

Then she drove me home.

"Call me if anything happens."

"Thank you Cha. Ingat ka sa paguwi."

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now