Chain33

41 3 0
                                    


KIM

Pagkabukas ko nito nagulat ako sa nakita ko at naihampas ko kaagad ang mop sa kanya ng pagkalakas.

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

"ARAYYYYY!!! ANO BA KIM ANG SAKIT AWW." Natigil ako sa paghampas nang marinig ko ang boses nito. Nakahawak na siya ngayon sa mukha nya. Namumula ito.

"Prince?!" Nabitiwan ko kaagad ang mop na hawak ko at pinapasok sya.

Hinila ko sya sa sofa at pinaupo doon.

"Bakit mo ba kasi ako hinampas? Ang sadista mo talaga kahit kailan!" Inis na sabi nya habang hawak ang mukha niyang namumula.

"Akala ko kasi iba yung nag dodoorbell! At Bakit kasi ang lapit ng mukha mo masyadong nakakagulat!" Inirapan ko sya.

"Bakit may inaasahan ka bang bisita ngayon?" Naging seryoso nyang tanong habang nakatingin sakin.

Natahimik ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na may stalker ako.

"Ikukuha lang kita ng yelo." Umiwas ako at tumayo ngunit bago ko pa gawin yon ay nahawakan na nya ang braso ko.

"May iba ka bang bisita bukod sakin?" Seryoso nyang tanong.

Napalunok ako.

"W-wala ah. K-kuha lang ako ng gamot at yelo." Hinila ko agad ang braso ko sa kanya at nagmadaling maglakad para kumuha ng mga kailangan ko.

Huminga ako ng malalim. Hanggang sa nag beep ang cellphone ko.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon