Chain109

24 2 0
                                    

•KIM•

Lumipas ang dalawang araw. Bumibisita kami sa hospital kapag wala doon ang mommy nya. Natatakot kasi akong mahuli at baka hindi ako payagang makita si Prince.

Si Charity at Zeke  ang palagi kong kasama. Nagdadala kami ng Prutas.

Ang pinsan ni Prince ang nagpapapasok samin dito para makita sya at siya rin ang tumutulong samin para hindi maabutan ng tita niya, ng mommy ni Prince.

Tumunog ang phone ni Zeke.

"Excuse me. Sagutin ko lang to." Pagpapaalam niya samin. Tumango naman kami at lumabas siya ng pintuan.

Tiningnan ko ang mukha ni Prince at puno ito ng pasa. Ang bandang bewang nya ay may malaking benda. At gayundin ang kaliwang palad nya.

"Ate Kim, Nakita ko sa bulsa ng pants ni kuya Prince."

May iniabot saakin ang pinsan nya. Isa iyong maliit na papel na nakayupi. Nagtaka ako sa kung anong laman non.

Bubuklatin ko na sana kaso biglang pumasok ang nurse.

"Nandyan na po ang mommy ni Sir Prince."

Napabalikwas kami ng tayo at agad na nagpaalam sa kanila na aalis na kami.

"Inga mga ate!" Pahabol ng pinsan nya bago kami makalabas at bago pa maabutan ng mommy ni Prince.

Nasalubong namin si Zeke.

"Where are you two going?" Takang tanong niya samin.

"Andyan na kasi mommy ni Prince eh." Sagot ko.

"Sino yung tumawag?" Tanong ni Charity.

"I have a news. But before anyone could gear us, let's get in to the car."

Sinunod naman namin siya at pumasok kaming tatlo sa kotse niya.

Naupo ako sa back seat.

"What's the news about?" Tanong ni Charity.

"Fred's Still alive." Mahina niyang sabi sapat na para marinig namin.

Tiningnan nila akong dalawa ng may pag aalala sa mukha.

"W-where is he?" Tanong ko.

"In the Hospital pero once na gumaling siya, ikukulong siya sa ginawa nya sayo at kay Prince." Pagpapaliwanag niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Kung matatakot ba ako dahil buhay pa sya, o kung masaya ako dahil nabuhay pa sya at hindi makukulong si Prince sa ginawa nya?

I don't understand my thoughts.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now