Chain20

46 4 0
                                    

KIM

"ARAY! Aray grabe ang sadista mo naman!"

Hinampas ko agad si Prince nung nakita ko sya. Nakita ko rin sina Charity at Zeke na magkatabi sa sofa at tumatawa habang may hawak na pizza.

"Kanina pa ako sa labas eh!"

"Bakit kasi nag knock knock ka pa edi tumawa muna ako bago ko binuksan." Tumawa ulit sya.

Inirapan ko sya.

"Hay ewan ko sayo!" Diretso akong tumungo sa sofa na kaharap nila Charity.

Masaya silang kumakain.

"Sana all may jowa" sabi ko at agad isinubo ang isang slize ng pizza.

Muntik ko naman ng mailuwa ang kinakain ko nang may biglang umakbay saakin.

"Pwede ba mag apply?" Nakangiting sabi nito saakin.

"Ano ba Prince!" Sa gulat ko naitulak ko siya at bigla akong nabulunan.

"Oh baby tubig" tumatawang inabot nya sakin ang tubig.

Ininom ko kaagad ito at nakahinga ng maluwag. Sinapo ko ang dibdib ko. Muntik na kong di makahinga dun ah.

Hinampas ko sya at lumayo ako ng konti.

"HAHAAHHAAH" sabay sabay silang tatlong tumawa. Inirapan ko sila isa isa.

"Pinagtutulungan nyo ba ako?" Tanong ko.

"Pagbigyan mo na si Prince. Namiss ka lang nyan. Hindi mo ba sya namiss?" Pag eepal ni Ezekiel.

"Oo nga naman Kim. Ngayon na lang ulit kayo nagkita oh." Pagdagdag pa ni Charity.

"Oo nga baby. Hindi mo ba ako namiss?" Pagpapacute ni Prince sakin at inilapit ang mukha nya.

"Ewwww! Lumayo ka nga. Kayo ha pinagtitripan nyo na naman ako!"
Pinagbabato ko sila ng chips na nadampot ko sa table.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAAH"

Humagalpak silang lahat ng tawa at napahawak pa sya tiyan.

Napangiti ako ng tago. Dahil namiss ko to. Hindi ko rin idedeny na namiss ko siya.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now