Chain90

28 3 0
                                    

*KIM*

Nakarating kami sa party ni Zeke. Madami rin palang tao ang nagpunta. Siguro mostly mga ka work ni Ezekiel at mga pinsan niya. May ilan din akong nakitang hindi ko kakilala. Nakita ko agad si Charity.

" Kim! mabuti nakarating kayo ng ligtas. Hi Prince! Salamat sa pagsundo sa bestfriend ko ha." binalingan niya si Prince at kumaway ito. 

"Kung alam mo lang Cha kung gaano ito kabilis magpatakbo ng sasakyan. May balak atang patayin ako eh." umirap ako sa kawalan.

" hala bakit naman? may nangyari bang away again?" tanong nito. 

" oo--" 

Tumikhim si Prince at doon nagbalik din sa isip ko kung anong nangyari pagtapos ng away namin. 

"A-ahhh konting bangayan lang hehe. Asan na daw si Zeke?" Pagiiba ko ng topic para maiwasan ang panggigisa ni Charity saamin. 

" Malapit na raw siya kaya inihahanda ko na yung surprise ko para sa kanya kasi hindi niya alam na I rented this whole place for him. Ang alam niya lang ay tayong apat ang magkakasama." Napangiti siya. 


Tumunog naman ang phone niya.


"Nasa labas na raw siya. omygosh. I gotta go." Nagmamadali niyang sabi at kinakabahan. 

Bigla namang namatay na ang mga ilaw sa loob at ang mga tugtog. 

Tumabi kami ni Prince sa gilid. Kanina pa ito dikit ng dikit sa akin at naalibadbaran ako. 

Sandali pa at naramdaman na naming na may papasok na. At nang magsindi ang ilaw at tugtog, napasigaw si Charity ng, "Surprise LOVE! Happy Birthday!" At saka niya hinalikan si Zeke. 

Hindi maipinta kung gaano kasaya si Zeke. 


Nagsimula ang party at naging wild ang lahat ng taong bisita ni Zeke. Samantalang ako, andito sa isang mahabang sofa at umiinom ng vodka. Saka pa ako sasayaw kapag medyo lasing na ako. Si Charity, ayun at nagsasayaw na din kasama si Zeke at Prince. Kilala naman nila ako na hindi sasalang sa Dance floor hangga't hindi nakakainom.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Where stories live. Discover now